Diretsahang sinagot ni Lyca Gairanod ang tanong kung nagpa-retoke siya kaya gumanda at pumuti

Naging internet sensation si Lyca Gairanod nang may isang netizen na nagupload ng isang video kung saan umaawit siya ng isang awitin habang may hawak na bente sa kamay.

Credit: Jayson Vald YouTube  

Dahil sa video na ito ay nagbago ang takbo ng buhay ni Lyca.

Si Lyca ay ipinanganak noong November 21, 2004 sa Cavite. Ang ama ni Luca ay isang mangingisda at nanay naman niya ay nagbobote-dyaryo. Para pangdagdag sa ikinabubuhay ng kanilang pamilya ay nangongolekta sila ng mga plastik, bote, at iba pang mga basura na pwedeng i-recycle at pagkakitaan.

Credit: Jayson Vald YouTube

Sumali si Lyca sa The Voice Kids Season 1 kung saan marami pa siyang ibang kalaban na magagaling ding umawit. Kalaunan ay pinalad si Lyca at nanalo ng grand winner ng The Voice Kids Season 1.

Matapos nito ay bumuhos na ang biyaya sa buhay ni Lyca kung saan dumami ang kanyang TV guestings, ang mga imbitasyon nila para kumanta sa mga event, at nagkaroon siya na pagkakataong umarte nang i-ere sa Maalaala Mo Kaya ang istorya ng kanyang buhay.

Credit: Lyca Gairanod Instagram

Ngayon ay 15 years old na si Lyca at kapansin-pansin ang laki ng pinagbago nito. Mula sa unang nakitang batang gusgusin ay isa na siyang napakagandang dalaga.

Credit: Lyca Gairanod Instagram

Dahil dito ay maraming nagtatanong kung ang dahilan ng pagbabago ng anyo ni Lyca ay dahil sa nagparetoke siya.

Credit: Lyca Gairanod Instagram

Sa video na inupload ni Lyca sa YouTube ay nagbigay siya ng reaksyon sa mga letrato niya na sumikat at kumalat sa internet. Kasama sa sinagot ni Lyca ang issue ng pagpaparetoke.

Credit: Lyca Gairanod Instagram

“Iki-clear ko lang, hindi po ako retokada. Kahit isa hindi po ako nagparetoke.”

Sinabi din ni Lyca na pati mga gamot na pampaputi ay hindi siya naglalagay o nagpapaturok.

“Kahit ‘yung turok- turok, ‘yung nagpaputi daw ako, hindi rin.”

Credit: Lyca Gairanod Instagram

Nagbiro pa ang dalaga na ang sikreto para pumuti ay ang hindi paglabas ng bahay.

“Ang tawag don huwag lalabas ng bahay para pumuti-puti lang.”

Sa huli ay klinaro ni Lyca na wala talaga siyang balak magparetoke.

“Wala akong balak magparetoke ha.”

Nakatanggap naman ng mga komento si Lyca sa kanyang video na sinabi din na wag na siyang magparetoke dahil maganda na siya.