Mag-asawang Carmina Villaruel at Zoren Legaspi, nagdiwang ng kanilang ika-walong taong anibersaryo bilang mag-asawa

Sa kanilang labing dalawang taon na pagsasama ay kinasal na nga sila Matatandaan nga na sinurpresa ni Zoren si Carmina kung saan nag propose ito noong November 15, 2012 at nagkaroon rin ng surprise wedding sa parehong petsa, naisagawa nga ng matagumpay ang kanilang surprise wedding sa tulong ng kanilang anak na sina Cassy at Mavy, kasama na rin ang mga kaibigan at pamilya.

Credit: Cassy Legaspi instagram

Narito naman ang pagbating mensahe ng kanilang anak na si Cassy na ibinahagi nya sa kanyang instagram account.

Credit: Cassy Legaspi instagram

“Happy 8th Wedding Anniversary mama and tatay!! no matter how far away they are from each other, they’re still inseparable! (literally) #SanaAll 🥴♥️” Masayang lahad ni Cassy.

Sa larawan makikita nga na may hawak ang mag asawa ng pulang tali na nag kokonekta sa kanilang dalawa habang naka make face pa.

Credit: Carmina Villaruel Legaspi instagram

Marami naman ang natuwa sa kanilang mga fans lalo na sa iniwang pag bati ni Cassy, na may hashtag pa na “#SanaAll”

Narito nga ang ilang komento mula sa Netizen.

“ZoCar’s suprise wedding will always be my favorite! Kahit ilang beses ko panoorin kinikilig pa rin ako! HAHAHA Ang cute cute nyo pa ni Mavy dun.” “The most iconic wedding in history!!”

Credit: Carmina Villaruel Legaspi instagram

“whenever I see them I always remember their legendary wedding 💕💕💕 mpapa #sanaall talaga”
Tunay naman na mapapa sana all ka sa pagmamahalan na meron sina Zoren at Carmina, kung saan makikita na parang walang kupas at pagbabago ang pag tingin nila sa bawat isa simula ng sila ay magkakilala.

Credit: Carmina Villaruel Legaspi instagram

Sina Cassy at Mavy naman ay napaka sweet rin sa isa’t-isa at lagi nga nagkakasundo sa kanilang mga desisyon.

Credit: Carmina Villaruel Legaspi instagram

Marami rin napapasaya ang pamilyang Legaspi sa tuwing nagbabahagi sila ng kanilang mga videos sa kanilang social media accounts.