Mag-asawang Mariel Rodriguez at Robin Padilla, binigyan ng bonggang pajama themed party ang ikalawang anak na si Gabriela para sa kanyang ika-11 buwan gulang

Binigyan ng mag-asawang Mariel Rodriguez at Robin Padilla ng isang makulay at masayang pajama themed ang kanilang ikalawang anak na si Gabriela.

Credit: Mariel Padilla instagram

Ngayong araw, October 16 ay ipinagdiriwang ng celebrity couple ang pagtungtong ni Gabriela ng ika-11 buwang gulang.

Kahit 11 buwang gulang pa lamang ang kanilang anak ay hindi napigilan ng mag-asawa na bigyan ito ng bonggang party.

Credit: Mariel Padilla instagram

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ng TV host-actress ang isang larawan kung saan makikita silang magpamilya na nakasuot ng makukulay na pajama onesie.

Credit: Mariel Padilla instagram

Mistulang birthday party ang nangyaring pagdiriwang nina Mariel at Robin dahil bongga ang set up ng kanilang dining hall.Napuno ng iba’t ibang Care Bear stuff toy at makukulay na balloons ang dining hall ng bahay ng celebrity couple.

Credit: Mariel Padilla instagram

Sa caption ay proud na ikinwenento ni Mariel na nalilinang na ang kakayahan ni Baby Gabriela na magdesisyon sa mga gusto niyang gawin. Ayon kay Mariel, marunong nang magsabi si Baby Gabriela kung ano ang kanyang gustong gawin, gustong puntahan at pati sa kantang pakikinggan ay marunong na rin daw itong mamili.

Ani Mariel, “Happy 11 months my Gabzy Bear!!!! My baby who can already dictate what she wants, where she wants to go and what music she wants to listen to.”

Credit: Mariel Padilla instagram

Nakakatuwa rin na tingnan si Robin dahil kahit wala sa personalidad nito na magsuot ng makulay na pajama ay game na game pa rin nitong isinuot ang isang blue onesie pajama para sa pamilya.

Credit: Mariel Padilla instagram

Kaya naman, nagpapasalamat si Mariel sa kanyang asawa dahil game itong makisaya sa kanilang Care Bear themed party.Saad ni Mariel, “Big big thanks @robinhoodpadilla for being so game to participate in our Care Bear themed party!!!!”

Credit: Mariel Padilla instagram

Nag-post din si Mariel ng isang larawan kung saan makikita ang pagiging sweet ng kanyang panganay na si Maria Isabela sa bunsong kapatid nito.Caption ni Mariel sa Instagram photo, “Sisters are FOREVER @gabrieladepadilla @mariaisabelladepadilla 👭🏻”

Samantala, maraming netizen naman ang naaliw sa pajama themed party na inorganisa ng celebrity couple para sa anak.

Credit: Mariel Padilla instagram

Komento ng netizens:
“happy 11 months gabzy! 🎂 ang cute cute nyoooo 😍❤️””Wow ganda ms. Mariel… Bonggang2 ..Sene ell 😍😍😍””haaaangkyuut 🙌🙌🙌””Happy 11 months baby Gabzy! 🎂🎈❤️”