Mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez, meron na namang nakakatawang experience sa online shopping

Madami ang nabibiktima ng mga scam at fake seller sa online shopping. Minsan kahit lagi ka na bumibili online ay meron pa ring pagkakataon na makakatagpo ka ng mga hindi matapat na nagbebenta.

Credit: Regine Velasquez-Alcasid Instagram

Kamakailan ay nagpost ng online shopping experience ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez kung saan kaiba ang kanilang natanggap na package sa kung ano ang binili nila online.

Kesa magalit at mainis ay ginawa na lang itong katatawanan ng dalawa.

READ: MAG-ASAWANG OGIE ALCASID AT REGINE VELASQUEZ, PINAGTAWANAN NA LANG ANG HINDI INAASAHANG NATANGGAP NA INORDER NANG MAG-ONLINE SHOPPING

Credit: Regine Velasquez-Alcasid Instagram

Sa kasamaang palad ay naulit na naman ang experience na ito nang mag-order si Regine ng isang item na mukhang rack. Laking gulat nila nang maliit na bersyon nito ang dumating.

Hindi ito pinalagpas ng kanyang asawang si Ogie at ipinost ito sa kanyang Instagram account.

“Akala po ni misis ay pangmalakihan ang kanyang nabili. Higpit na yakap mahal. #expectationvsreality”

Credit: Ogie Alcasid Instagram

Natawa naman ang mga kaibigan na artista nila Ogie at Regine at nagbigay ng kani-kanilang komento sa post ni Ogie.

Sinabi ni Pops Fernandez na parang laging fail ang mga napipili nila Ogie at Regine online.

Credit: Ogie Alcasid Instagram

“???????????????????????? Parang di kayo successful sa mga online choices nyo ?????????????????”

Natawa din ang kanilang kaibigan na si Jaya at tinanong kung ano ang item na kanilang binili.

“Haahhahahahaha kaloka Pare ano ba yan?”

Maging ang singer na si Kyla ay nagtanong kung para saan ang gamit na binili ng mag-asawa.

“Para saan to kuya Ogie? Hahahaha?”

Credit: Regine Velasquez-Alcasid Instagram

Nagjoke naman ang matalik na kaibigan ni Ogie na si Michael V. tungkol sa natanggap na package ng mag-asawa.

“@ogiealcasid Ano ‘yan… panghuli ng dalag? ?”

Maging ang mga fans ay tawang-tawa sa nangyari sa online experience nila Regine at Ogie.

“Natuto na po ako basahin ang description esp pagdating sa measurements ?

“Ito na naman po HAHAHA ang cute ni queen HAHAHA sadyang expectation vs. Reality HAHAHA”

“Yakappp ateeee??loveyouuuuuuuuuuuuu”

“ATE NAMAAAN HAHAHAHHAA ANG CUTEEE GUDMURNENG PO HAHAHAHAHAHAHAHAHA”