Magagandang model pictures ni Kendra Kramer, talagang pinaw0w ang mga netizens

Isa si Kendra sa mga celebrity children na hinahangaan ng netizens mula pa lamang sa kanyang pagkabata. Bata pa lamang ay nakikita na natin siya sa mga commercial kasama na ang nakaka-LSS na juice ad kasama ng kanyang pamilya, kilala bilang Team Kramer.

Credit: @kramer.kendra Instagram

Sa edad na 13, makikitaan na si Kendra ng unique talent as a model, at dahil dito – nakikita na natin siya sa maraming age-appropriate endorsements and fashion editorials.

Credit: @kramer.kendra Instagram

Makikita sa official facebook page ng Team Kramer at Instagram ng mag-asawang Doug at Cheska Kramer ang post na may caption na;

Credit: @kramer.kendra Instagram

“Our princess @kramer.kendra gracing the cover of @nylonmanila!” at nakaani naman ito ng maraming positive reactions at comments mula sa netizens at mga celebrities na sila Coleen Garcia, Antoinette Taus, Edu Manzano, Yam Conception, Jasmine Curtis Smith, Danica Pingris, at iba pa.

Credit: @kramer.kendra Instagram

Si Kendra ang anniversary cover girl ng Nylon Manila, isang digital magazine launched by One Mega Group. Sa mga official photo release ay makikita ang napakagagandang poses ni Kendra, at talaga namang malaki ang chance na maging supermodel ito paglaki.

Credit: @kramer.kendra Instagram

Kasama ng mga stunning photos na ito ang confidence niya talakayin ang kanyang mga pangarap, usapang mental health, at mga responsibilidad sa buhay. Binahagi ni Kendra na time management ang pinakamahalaga para sa pag-manage ng kanyang pag-aaral, trabaho, at hobbies.

Credit: @kramer.kendra Instagram

Siya rin ay may ballet lessons, singing and drum lessons, at may sports na swimming. Pinag-usapan rin dito ang kanyang future career gaya ng college course at trabahong kukunin niya, at binahagi ni Kenda na hindi niya nililimitahan ang sarili sa mga career sa future dahil bata pa lamang siya at marami pa siyang pangarap na pwedeng i-pursue.

Credit: @kramer.kendra Instagram

Ibinahagi din niya ang kahalagahan ng pamilya. “They give me a lot of advice. And all of their advice is relevant to when I grow older, and even now, so I just keep everything that they tell me.” Aware din siya na ang spotlight at pagkakaroon ng maraming followers ay isang napakahalagang responsibilidad.


Credit: @kramer.kendra Instagram

“I take great responsibility for [my followers] and I try my best to influence them the best way I can with a platform that god has given me……….” Says Kendra.

Congratulations, Kendra!