Maganda at masayang pamilya ni Joross Gamboa, kinahangaan ng mga netizens

Sino nga ba ang hindi nakaka-kilala sa magaling na aktor na si Joross Gambao? Tiyak na maraming netizens ang kilala ang aktor at pamilyar dito dahil madalas na mapapanood si Joross sa mga kilalang teleserye at mga pelikula.

Credit: Joross Gamboa instagram

Matatandaang unang nakilala si Joross nang nanalo ito bilang second runner up sa show na Star Circle Quest noong 2004. Simula noon ay naging parte ito ng ABS-CBN network at GMA network sa buong career nito sa showbiz.

Credit: Joross Gamboa instagram

Mula nang manalo ito sa show na Star Circle Quest ay nagkaroon ito ng iba’t ibang proyekto sa career nito sa showbiz at maraming oportunidad ang nagbukas para sa kanya upang maipakita nito sa mga viewers ang kanyang talento sa pag-arte. Hindi naman binigo ni Joross ang kanyang mga taga-hanga dahil hanggang ngayon ay napapanood pa rin ito sa mga pelikula at teleserye.

Credit: Joross Gamboa instagram

Matapos nitong maging parte ng dalawang kilalang network sa Philippine television ay napagdesisyunan nitong maging freelance artist ngayon kaya naman madalas itong mapanood bilang magaling na supporting actor sa mga kilalang drama serye ng ABS-CBN.

Credit: Joross Gamboa instagram

Hindi lamang magaling na aktor si Joross dahil nakilala rin ito sa galing niya sa pagpapatawa ng mga netizens at kapwa celebrity nito dahil mayroon itong natural na talento sa pagiging komedyante.

Tulad ng iba pang mga kilalang personalidad sa showbiz, isa si Joross sa mga aktor na masaya sa kani-kanilang buhay ngayon kasama ang kanilang pamilya dahil ngayon ay mayroon na itong dalawang anak na lalaki at napaka-gandang asawa.

Credit: Joross Gamboa instagram

Nitong Mayo lamang ay ipinagdiwang ng pamilya ni Joross ang kaarawan ng kanyang asawa na si Kath Gamboa na kilala bilang dating commercial at ads model. Ibinahagi ni Joross sa kanyang Instagram account ang mga naging letrato nila sa kaarawan ng kanyang asawa.

“Happy Birthday @katz_gamboa from @jacekylergamboa @johnkodygambao and @joross_gamboa We Love You So Much!!! Mwah! Mwah! Mwah!” saad nito sa kanyang caption.

Credit: Joross Gamboa instagram

Sa ipinost na letrato ni Joross ay makikita ang cute na cute na family picture nila ng kanyang munting pamilya na halatang masayang-masaya sa araw na iyon. Mapapansin na napaka-laki na ng dalawang anak ni Joross na bibong-bibong nag-pose sa harap ng camera at cute na cute sa kanilang suot-suot na checkered polo.

Credit: Joross Gamboa instagram

Sa mga sumunod na letrato ay hindi napigilang ibida ng aktor ang kanyang asawa dahil si Kath ang nasa mga huling letrato. Napaka-ganda nito sa kanyang suot na blue printed blouse na lalong nagpa-tingkad sa kanyang natural na ganda habang may suot-suot pa itong happy birthday headband sa espesyal na araw nito.

Credit: Joross Gamboa instagram

Kahit na mayroon na itong dalawang anak ay blooming at fresh na fresh pa rin ang kanyang itsura at tila ba hindi kumukupas ang kanyang ganda.