Magkasintahang Angel Locsin at Neil Arce, ini-reveal kung paano nagsimula ang kanilang love story

Isang nakakakilig na vlog ang mapapanood ng netizens sa YouTube channel ng celebrity couple na sina Angel Locsin at Neil Arce. Sa kanilang pinakabagong vlog, ibinahagi ng soon-to-be married couple ang kanilang journey bilang “friends-turned-to-lovers”.

Credit: @therealangellocsin Instagram       

Taong 2010 nang unang nagkakilala sina Angel at Neil. Sa loob umano ng pitong taon nilang pagiging magkaibigan ay “bro” na ang kanilang tawagan.

Kagaya ng mga matalik na magkaibigan, ay naging takbuhan umano nila ang isa’t isa kung may problema silang pinagdadaanan at kailangan nila ng masasandalan at makakausap. Isa na nga sa mga problema na madalas nilang ikinu-kwento sa isa’t isa ay tungkol sa kanilang kanya-kanyang buhay pag-ibig noon.

Credit: @therealangellocsin Instagram

Pagkatapos ng pitong taon pagiging magkaibigan ay nagsimulang mahulog sa isa’t isa sina Angel at Neil.

Hanggang sa dumating nga raw sila sa puntong hindi na ibang tao kung hindi ang isa’t isa na ang dahilan ng kanilang problema sa pag-ibig.

Credit: @therealangellocsin Instagram

Kwento ni Angel, “Umabot kami sa point na hindi na namin pwedeng kausapin ‘yung isa’t isa kasi ‘yung taong ikwe-kwento namin ay ‘yung isa’t isa. Parang ang hirap. Na-experience n’yo na ba na ‘yung taong go-to n’yo sa mga problem n’yo sa puso eh ‘yung taong hindi n’yo makausap kasi siya ‘yun.”

Credit: @therealangellocsin Instagram

Isang bagay na ibinunyag din nina Angel at Neil ay ang pagdaan nila sa awkward phase ng kanilang relasyon. Naranasan daw ni Angel na gusto niyang mag-walkout dahil naninibago siya sa relasyon nila ni Neil.

Credit: @therealangellocsin Instagram

“Trust us, magkakaroon kayo ng awkward phase talaga. Ako kasi sa experience ko noong unang mga dates namin, noong una s’yempre kilig-kilig as in para kang nasa heaven. Pero darating ka sa point na parang, ‘Ano ito? Bakit kami nagho-holding hands?’ Gusto ko mag-walkout sa totoo lang.”

Credit: @therealangellocsin Instagram

Natutunan naman daw nina Angel at Neil na tawanan at tanggapin nalang ang awkward moments na naranasan nila sa umpisa ng kanilang relasyon.

Credit: @therealangellocsin Instagram

Ikwenento rin ni Neil na itinuturing niyang isang biyaya ang pagdating ni Angel sa kanyang buhay. Ani Neil, “Naniniwala ako na blessing siya ni God. Dumating ako sa buhay niya at dumating siya sa buhay ko para pasayahin namin ang isa’t isa [to] make our lives better.”

Credit: @therealangellocsin Instagram

Sa huling bahagi ng vlog, isang video ang kanilang ipinakita na ayon kay Neil ay naging daan para mapa-‘oo’ niya si Angel na maging girlfriend niya.

Ipinakita sa video ang kanilang mga malalapit na kaibigan sa showbiz na nakikiusap kay Angel na mag-yes na kay Neil.

Credit: @therealangellocsin Instagram

Nakatakdang ikasal sina Angel at Neil sa susunod na taon matapos nilang kanselahin ang kasal sana nila ngayong taon dahil sa c0vid.