Magkasintahang Janella Salvador at Markus Paterson, opisyal na ipinakilala ang kanilang anak na si Jude Trevor

Ipinakilala na ng magkasintahang Janella Salvador at Markus Paterson ang kanilang anak na si Jude Trevor.

Kinumpirma nina Janella at Markus na sila ay ganap nang mga magulang matapos ang ilang buwan na pananahimik sa mga balitang mayroon na silang anak.

Credit: @superjanella Instagram

Nitong January 5, isang video ang inupload nila sa kanilang joint YouTube channel na nagpapakita ng ilan sa mga highlight ng pagbubuntis ni Janella.

Base sa petsa na nakalagay sa video, unang nakumpirma ng magkasintahan na magkakaanak na sila noong February 29, 2020. May 30, 2020 naman nang una nilang malaman ang kasarian ng kanilang anak.

Kita sa video ang pagsigaw nila Janella at Markus sa tuwa matapos nilang malaman na lalaki ang kanilang magiging anak.

Makikita rin sa video ang ilang sweet bonding moments ng magkasintahan sa London, United Kingdom na hometown ni Markus.

Credit: @superjanella Instagram

Base sa video, lumipad noong September 2020 sina Janella patungong London. Kasama rin ni Janella na nagtungo sa London ang kanyang ina at kapatid. October 20, 2020 naman ng ipanganak ni Janella ang baby nila ni Markus.

Ang nasabing video ay ginawa na parang isang mensahe nina Janella, Markus at ng kanilang mga pamilya at kaibigan para kay Jude upang pormal na i-welcome ito sa mundo.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Janella na siya ay lubos na nasasabik at handa nang tuluyang ipakilala si Jude sa mundo.

Credit: M & J & J YouTube

Ayon kay Janella, kinakabahan siyang ipakilala ang kanyang anak dahil alam niya umano kung gaano ka-‘harsh’ang mundo.

Sinabi rin ni Janella sa kanyang sulat na makasarili na hindi ibahagi si Jude sa mundo.

“The world deserves to see the precious smiles you give us — the ones that melt our hearts. The world deserves to see you gröw into your own unique self,” dagdag pa ni Janella.

Credit: M & J & J YouTube

Sa huli, saad ni Janella, “‘I can’t believe your mine’. It’s funny because I’ve heard these words from every mother in the world and thought to myself how clichè does that sound? But now, I completely understand. It truly is the best feeling. Something you won’t be able to fathom until you go through it yourself.”

Tinapos ni Markus ang vlog sa pamamagitan ng pagpapahayag ng kanyang pagmamahal para sa kanilang panganay.

“To my son, my first-born, my darling boy, there aren’t enough words to express how much love I have for you. The minute I saw you I knew I would do anything in this world to protect you…You are loved forever and always by your mother and I. And I welcome you, Jude Trevor Paterson, to the world,” ani Markus.

September noong nakaraang taon nang inanunsyo nina Janella at Markus ang kanilang relasyon.