Magkasintahang Kapuso stars Mark Herras at Nicole Donesa, masayang inanunsyo na limang buwan nang buntis si Nicole

Soon-to-be parents na rin ang celebrity couple na sina Mark Herras at Nicole Kim Donesa. Ito ang inanunsyo ng dalawa sa kanilang pinakabagong YouTube vlog na ibinahagi nila ngayong araw, September 14, 2020.

Credit: MARKNICO HERRAS YouTube    

Ikwenento nina Mark at Nicole na limang buwan nang buntis si Nicole sa kanilang panganay na anak.
Sa vlog ay ipinaliwanag nina Mark at Nicole na medyo natagalan ang pag-aanunsyo nila sa pagbubuntis ni Nicole dahil sa dami ng mga nangyayari ngayon sa ating mundo kagaya na lamang ng nararanasan nating p@ndemya.

Bukod dito, pinili rin nilang itago muna sa publiko ang mga unang buwan ng pagbubuntis ni Nicole lalo na’t naging maselan ang first trimester ng kanyang pagbubuntis.

Credit: MARKNICO HERRAS YouTube

Samantala, June ngayong taon nang inanunsyo nina Mark at Nicole ang kanilang engagement.

Sa vlog ay nilinaw naman ni Mark na hindi umano sila magpapakasal dahil nagdadalang-tao si Nicole. May mensahe rin si Mark sa mga nagbabalak na gawan ng isyu ang pagbubuntis ni Nicole.

Credit: MARKNICO HERRAS YouTube

Aniya, “Nicole’s pregnant, five months pregnant now. Pero hindi ‘yun ‘yung reason bakit kami magpapakasal, okay? Nililinaw ko lang sa mga mambabash diyan, ha?”

Dagdag niya, “I’m warning all the bashers, ‘wag niyo kaming gagawan ng issue o ‘wag kayo magsasabi ng kahit anong negative about me, Nicole, or our baby kasi papatulan ko kayo.”

Credit: MARKNICO HERRAS YouTube

Ibinahagi rin ni Mark na malakas ang kanyang pakiramdam na lalaki ang magiging panganay nila ni Nicole.

Ani Mark, “I think it’s a boy. She wants a girl but I think it’s a boy.”

Credit: MARKNICO HERRAS YouTube

Si Mark din daw ang pinaka-nahirapan sa kanilang dalawa dahil ito ang pinaglilihian ni Nicole.

“Mas sa akin [mahirap] kasi since day 1 up to now, ako po ‘yung pinaglilihian ni Nicole. So, huwag kayong magulat kapag lumabas ang anak namin na kamukha ko,” kwento ni Mark sa vlog.

Credit: herrasmarkangeloofficial Instagram

Sa huli ay hangad nina Mark at Nicole na suportahan sila ng mga tao sa pagbubuntis nito at hindi sila makatanggap ng neg@tibong komento mula sa mga ito.

Credit: herrasmarkangeloofficial Instagram

Saad ni Nicole, “During this time kasi we’re going through a lot; c0vid, so many people are dy!ng, a lot of people are getting s!ck, maraming nangangailangan. We hope na ‘yung balita namin ay suportahan n’yo nalang kami.”

Credit: herrasmarkangeloofficial Instagram

Samantala, kahit hindi pa man lumalabas ang anak nila ay may napili ng ipangalan sina Mark at Nicole rito. Lalaki man o babae napagdesisyunan ng soon-to-be parents na “Corky” ang ipangalan sa anak na mula sa pinagsamahang pangalan nila.

Credit: herrasmarkangeloofficial Instagram

Excited naman sina Mark at Nicole kung anong magiging gender ng panganay nila na mabubunyag sa susunod na vlog nila na isang “gender reveal” vlog.