Makisig Morales at Nicole Joson, sobrang tamis ng mensahe sa isa’t isa sa kanilang wedding anniversary

Sa dalawang taong nagmamahalan, importanteng importante ang mga mahahalagang araw at petsa ng mga memorable events sa mga buhay nila.

Gaya ng birthday ng isa’t isa, enagagement day at anniversary dates. Tanda ng bawat petsang ito ang selebrasyon ng pagmamahalan ng dalawang tao sa isa’t isa.

Credit: Makisig Morales Instagram

Ang pagdiriwang ng anniversary ay ang pagdiriwang ng pagmamahalan at pagtitiwala sa isa’t isa. Dapat nga namang ipagdiwang na nalalagpasan ng dalawang nagmamahalan ang bawat pagsubok at stages ng kanilang pagiibigan.

Gaya na lamang ng child star noon na si Makisig Morales. Noon ay isang child star at kilala bilang Super Inggo. Kinagigiliwan nga naman talaga siya ng lahat dahil sa kanyang charm at galing sa pag arte.

Credit: Makisig Morales Instagram

Lumipas ang mga taon ay hindi na bata si Makisig. At ngayon ay nagpakasal na. Engaged na siya noong 2018 at ikinasal noong Hunyo 2019. Ngayon, ay nagdiriwang na sila ng kanilang anibersaryo ng beauty queen na si Nicole Joson.

Sa kanilang anibersaryo, ay nagpalitan ng sweet messages si Makisig at Nicole sa isa’t isa. Narito ang mensahe ni Makisig para kay Nicole na talaga namang kinakilig ng lahat.

Credit: Makisig Morales Instagram

“Happy 1 year anniversary my Love. “Maraming challenges na nangyari sa 2019 at ganun din ngayong 2020 pero ang importante ay we will face it together! Stay fun-loving-energetic-weirdong tao na minahal ko. I love you so much,” sabi ni Makisig sa kanyang asawa.

Narito naman ang response at sagot mo Nicole sa nakaka kilig na mensaheng ito para kay Makisig.

Credit: Nicole Morales Instagram

“Happy 1st year Anniversary to My Better-in-Every-Way Half. It’s been a tough year, but our love is tougher. For better and for worse I love you,” ayon naman sa post ni Nicole.

Credit: Makisig Morales Instagram

Sana all na lang talaga ang masasabi mo sa kanila. Nagpaabot naman ng mga pagbati at wishes ang mga netizens na sana ay magtagal at mas lalong lumalim ang kanilang pagsasamahan.