Mariel at Robin Padilla, ginawang espesyal ang mothers day ng mga kasambahay

May mga tao na binabase ang pagtrato sa kapwa sa kanilang pinag-aralan, impluwensya sa lipunan, at kayamanan. Para sa kanila, kapag mayaman ka, dapat VIP ang trato sa iyo pero kung ikaw ay mahirap, hindi ka kailangang pagtuunan ng pansin.

Credit: Mariel Padilla Instagram

Buti na lang at marami pa ring mga tao na pantay-pantay ang tingin sa kapwa, mayaman man o mahirap.

Ganyan din ang ipinapakita ng mag-asawang Robin at Mariel Padilla sa kanilang mga kasambahay. Espesyal para sa kanila ang kanilang mga kasambahay dahil itinuturing nila itong parte na kanilang pamilya.

Credit: Mariel Padilla Instagram

Pinatunayan muli ito ng mag-asawa noong natapos na mothers day kung saan sinurpresa nila ang kanilang mga kasama sa bahay.

Sa Instagram post ni Mariel ay ipinakita niya ang kanilang mothers day treat para sa kanila.

“Shared this day with my fellow nanays in our home. ? (Robin and Yaya Jo were only able to join us dinner time because they are fasting) next mother’s day… i have 1 wish… ISANG MATINONG FAMILY PICTURE!!! ?”

Binigyan nila Mariel ang kasambahay ng magagandang bouquet ng bulaklak.

Credit: Mariel Padilla Instagram

Nagkaroon din sila sa isang simpleng salo-salo kung saan kasama ng pamilya ni Mariel na kumain sa hapag-kainan ang mga kasambahay.

Credit: Mariel Padilla Instagram

Makikita din sa mga letrato na nagswimming ang mga kasambahay nila kasama ang pamilya ni Mariel.

Credit: Mariel Padilla Instagram

Ayon kay Mariel, ang mothers day ang pinaka-paborito niyang okasyon sa lahat.

“Mother’s Day is my most favorite occasion of all!!! The most important one for me.”

Credit: Mariel Padilla Instagram

Idinagdag pa niya na sa dami ng kanyang ginawa at nangyari sa kanyang buhay at hindi mapapantayan ang pagiging isang ina.

“I have done many things in my life but being a mother is second to none.”

Maging si Robin Padilla ay masayang nagkomento sa post na ito ni Mariel.

“Napakasayang araw ng pahinga at pagkain … maligayang araw ng mga ina sa inyong lahat”

Hindi lang ito ang unang pagkakataon na binigyan ng mothers day treat ni Mariel at Robin ang mga kasama sa bahay dahil taon-taon ay ginagawa nila ito.