Maine Mendoza, masayang nagdiwang ng kanyang kaarawan kasama ang pamilya at nobyong si Arjo Atayde

Kahapon nga March 3 ang kaarawan ng dubsmash Queen na si Maine Mendoza.
Tumungo nga ng Batangas sina Maine kasama ang kanyang Pamilya, malalapit na kaibigan at kanyang mga katrabaho sa Daddy’s Girl at dito nga nagcelebrate ng kanyang 26th Birthday.

Credit: Arjo Atayde instagram

Makikita nga ang mga larawan at videos na pinost ng isa sa mga kaibigan ni Maine na kasama nila sa Batangas. Dito nga kitang kita na talagang enjoy na enjoy si Maine dahil kasama nya ang kanyang mga mahal sa buhay na mag celebrate pati na rin ang mga cast ng Daddy’s girl.

Credit: Arjo Atayde instagram

Bumati naman ang supportive boyfriend ni Maine na si Arjo Atayde.
Sa instagram nga ni Arjo nag iwan ng pagbati sa kanyang Girlfriend na si Maine kung saan nagbahagi siya ng larawan nila na magkasama.

“I just never want to stop making memories with you. I love you! Happy Birthday, Bubby ❤️” Ang sabi ni Arjo sa kanyang caption. Sa larawan nga na ibinahagi ni Arjo ay makikita na sila ay nakasakay sa isang Yate, At ang Yate daw na ito ay pag mamay-ari ng mga Atayde. Dito nga ay patungo sila sa Batangas upang doon mag celebrate ng kaarawan si Maine.

Credit: Arjo Atayde instagram

Sa episode nga ng Eat Bulaga kahapon ay pinakita ang maagang pag celebrate nila ng kaarawan ni Maine. Nakatanggap naman ng napaka raming cakes si Maine mula sa kanyang mga fans club, sponsors at endorsement.

Credit: Arjo Atayde instagram

Kitang kita nga na hindi nagsasawa ang mga fans at supporters ni Maine, na tuwing birthday nya ay marami nga natatanggap na cake at mas dumadami pa. Dito nga ramdam ni Maine kung gaano karami ang mga tao na nagmamahal sakanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm)

Nagmistulan nga na isang cake store ang set ng EB dahil sa napakarami at magagandang cake na tanggap ni Maine. Nag pasalamat naman si Maine sa lahat ng bumati sa kanya, nagbahagi nga ito ng kanyang larawan sa instagram at may caption na,”sweet sixt… twenty six. ?
thank you to those who remembered. thank you for all the birthday greetings and wishes. ♥️”