Matteo Guidicelli: “It’s amazing to wake up, to sleep beside the person you love the most…”

Noong February 20, 2020 ay ikinasal si Matteo Guidicelli kay popstar royalty Sarah Geronimo. Ang kanilang naging secret wedding ay ginanap sa Victory Church sa Taguig City.

Credit: Matteo Guidicelli Instagram

Sa isang livestream interview kay Matteo na ginawa para sa ini-endorso niyang brand na Sante Barley ay napag-usapan ang buhay may asawa ni Matteo.

Binanggit ni Matteo na tinitignan niya na isang blessing in disguise ang l0ckd0wn dahil para silang nasa extended honeymoon ni Sarah.

Credit: Matteo Guidicelli Instagram

“Being home… being with your family… Ako, bagong kasal ako… Being with my wife, it’s also, in a way, a blessing in disguise na we have an extended honeymoon kumbaga.”

Dinagdag pa ni Matteo na dahil nasa bahay lang silang mag-asawa ay mas nakikilala nila ni Sarah ngayon ang isa’t isa.

Credit: Matteo Guidicelli Instagram

“It’s a time we’re really locked in our place, and we’re getting to know more and more each other every single day.”

Shinare din ni Matteo na salitan sila ni Sarah sa pagluluto sa bahay. Sa isa pang interview para sa Landers Central kung saan kasama ni Matteo si Rhian Ramos ay sinabi nito na siya ang nagluluto ng Italian food at si Sarah naman ang nakatoka sa Filipino food.

Ibinahagi din ni Matteo sa livestream para sa health and wellness brand kung kamusta ang kanyang buhay may asawa.

Credit: Matteo Guidicelli Instagram

“Great. It’s amazing. I recommend it to all my friends. I was talking to my other batchmates, ‘How’s married life?’ kumbaga and I said, ‘Bro, I think you should get married too, man.’

Sinabi ni Matteo kung gaano siya kasaya na matulog at magising sa tabi ng kanyang pinakamamahal na babae.

“I don’t know, maybe I’m just in my honeymoon stage or I’m in the beginning of my marriage, but it’s amazing to wake up, to sleep beside the person you love the most. It’s amazing.”

Credit: Matteo Guidicelli Instagram

“It’s a blessing and I found my partner, kumbaga. There’s so many things we could do together, and so many things we could achieve together kumbaga.”

Marami ang masaya sa pag-iisang dibdib ni Matteo at Sarah matapos ang ilang taon na pagdidate. Ang inaabangan ngayon ng mga fans ay kung kelan magkakaroon ng baby Guidicelli ang dalawa.