Mayor Vico Sotto, inaamoy daw ang kanyang mga staff kapag dumadating sa opisina at sinabing mabango pa din kahit nagbibisikleta papasok ng trabaho

Nung nakaraang linggo ay ipinakita ni Mayor Vico ang kanyang sense of humor sa pagbati sa kaarawan ng kanyang inang si Coney Reyes.

Credit: Vico Sotto Instagram      

READ: MGA NETIZEN, NATAWA SA KWELANG POST NI VICO SOTTO PARA BATIIN ANG KANYANG INANG SI CONEY REYES PARA SA KANYANG KAARAWAN

Ngayon naman ay kahit seryoso ang kanyang tinatalakay ay hindi pa rin nakalimutan ni Mayor Vico na maipakita ang kanyang funny side.

Credit: Vico Sotto Instagram

Simula June 1 ay naimplementahan na ang general community qu@rantine at dahil dito ay nag-Facebook live si Pasig City Mayor Vico Sotto para ipaliwanag ang mga panuntunan ng kanilang lungsod ngayong GCQ.

Credit: Vico Sotto Facebook

Nang pinapaliwanag na ni Mayor Vico ang tungkol sa transportasyon sa Pasig ay hinihikayat niya ang marami na gumamit na lang ng bisikleta para makapunta sa opisina.

Credit: Vico Sotto Facebook

Pabiro pang sinabi ni Mayor Vico na marami sa kanyang mga staff ay gumagamit na ng bisikleta at may mga pagkakataon na inaamoy niya daw ang kanyang mga staff.

Ang iba kasi ay nagbibigay ng excuse na napakainit sa Pilipinas at pagpapawisan sila kapag nagbisikleta. Pero sinabi ni Mayor Vico na kahit daw nagbisikleta papasok ng trabaho ang kanyang mga staff ay hindi naman daw sila amoy mabaho.

Credit: Vico Sotto Facebook

“Ngayong quarantine napatunayan natin na ‘yung bike riding pwede dito sa Pilipinas kahit mainit.”

“‘Yung mga ibang staff ko… mga staff namin dito nagbi-bike to work hindi naman po sila masyadong mabaho kahit pinapawisan sila ng konti inaamoy ko sila mabango pa naman. Okay naman, bike riding works kahit sa maiinit na lugar.”

Credit: Vico Sotto Facebook

Patuloy na hinikayat ni Mayor Vico na ipagpatuloy ng mga tao ang paggamit ng bisikleta dahil may kakulangan sa transportasyon at nakakatulong din ito para mapagaan ang daloy ng trapiko.

“We’re encouraging everyone to bike.”

Credit: Vico Sotto Instagram

Dahil dito ay ipinangako ni Mayor Vico na inaayos na nila ang bike lane sa lungsod ng Pasig para mas maging safe at maayos ang paglalakbay ng mga nagbibisikleta.

“We’re promoting bicycle riding and other alternative modes of transportation dahil alam po nating kung gaano katrapik dito sa Pasig. Alam po natin na 90% ng trapik na yan ay galing sa private cars.”