Melai Cantiveros, may sweet na sweet na greeting para sa 9th anniversary nila ni Jason Francisco

Mahal na mahal ng mga netizens at mga fans ang nakakakilig na celebrity couple na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco. Simula October 2009, inabangan at napanood na natin sila sa Pinoy Big Brother house. Dito sila nagkakilala at nagtuloy-tuloy ang kanilang pagkakaibigan sa isa’t isa.

Credit: @mrandmrsfrancisco Instagram

Dito nanalo si Melai bilang Big Winner. Pagkatapos ng kanilang PBB journey, nagkamabutihan ang loob nilang dalawa. Naging magkasintahan sila hanggang sa ikasal sila noong December 2013.

Credit: @mrandmrsfrancisco Instagram

Nagtuloy-tuloy ang kanilang karera sa showbiz at nakabuo na ng pamilya. Ngayon, sila ay nagdiriwang na ng kanilang 9th anniversary. Napakatagal na nila bilang magkasintahan at mas lalong tumitibay.
Ibinahagi ni Melai Cantiveros ang napakasweet na mensahe niya sa kanyang IG.

Credit: @mrandmrsfrancisco Instagram

“9yrs of L0ving and H@ting 9 yrs of Accept!ng and Bl0cking each other
9 yrs of Receiving and Giving 9 yrs of Keeping the Faith and L0sing the F@ith to each Other 9 yrs of Trusting and D0ubting each other = Is equals to Matured and Best Version of ourselves for each other dba,” saad ni Melai sa kanyang IG.

Credit: @mrandmrsfrancisco Instagram

Nakilala din ang pamilya Francisco dahil sa isang video nila Melai kasama ang kanyang mga anak na sina Mela at Stela. Sa isang video, makikita na masaya si Mela at sinabing gustong gusto ang masarap na chicken nuggets. Kaya naman, nakilala sila dahil dito.

Credit: @mrandmrsfrancisco Instagram

Patuloy naman sa greetings ni Melai at nabanggit ang PapaNuggets.

“Agree kaba ????? Hahahaha. Happy 9 yrs Wedding Anniv PapaNuggets . Kahit minsan di mu ko MaGets love na love pad kita wanggets Love u with our Nuggets, Ate Nuggets and Baby Nuggets. May Godless more our Journey,” patuloy ni Melai.

Credit: @mrandmrsfrancisco Instagram

Ilan naman sa mga bumati sa kanila ay ang mga kapwa celebrities na sina TV host Bianca Gonzalez, aktres Loisa Andalio at Nikki Valdez, Alora Sasam, “Magandang Buhay” co-host Jolina Magdangal, Vina Morales at ang model na si Regine Angeles.

Credit: @mrandmrsfrancisco Instagram