Mga anak ni Ruffa Gutierrez na sila Lorin at Venice, mala-beauty queen ang angking ganda

Si Ruffa Gutierrez ay galing sa angkan ng mga artista na talagang hinahangaan dahil sa angking ganda.

Credit: Ruffa Gutierrez Instagram

Hindi lamang kilala sa showbiz si Ruffa dahil isa rin siyang beauty queen. Si Ruffa ay tinaguriang Binibining Pilipinas World 1993 at Miss World 1993 second runner-up.

Umingay sa mundo ng showbiz si Ruffa nang ikasal ito sa isang Turkish businessman na si Yilmaz Bektas. Ngunit hindi rin nagtagal ay naghiwalay din ang dalawa. Ang kanilang pag-iisang dibdib ay biniyayaan ng dalawang babaeng anak–si Lorin at si Venice.

Credit: Ruffa Gutierrez Instagram

Ngayon ay kilalanin natin at tignan natin kung nasaan na ang mga anak ni Ruffa na sila Lorin at Venice.

 

LORIN GUTIERREZ

Credit: Lorin Gutierrez Instagram

Si Lorin Gabriella Bektas ay ipinanganak noong August 3, 2003. Si Lorin ay 16 taong gulang na ngayon at nag-aaral sa British School Manila.

Credit: Lorin Gutierrez Instagram

Nakuha ni Lorin ang mata at ang fashion sense ng kanyang ina.

Nagsimula ang kanyang career sa showbiz nang maging endorser siya ng KJM Cosmetics, isang cosmetics brand na nanggaling sa Davao.

Credit: Lorin Gutierrez Instagram

Aktibo si Lorin sa iba’t ibang activities ng kanilang eskwelahan. Siya ay kasama sa cheering squad at naging parte din ng teatro ng kanilang eskwelahan.

Credit: Lorin Gutierrez Instagram

Close na close si Lorin sa asawa ng kanyang Tito Richard na si Sarah Lahbati at sa kanyang pamangkin na si Zion.

Credit: Lorin Gutierrez Instagram

 

VENICE BEKTAS

Credit: Venice Bektas Instagram

Ang bunsong anak ni Ruffa at Yilmaz na si Venezia Loran Bektas ay ipinanganak noong September 11, 2004. Si Venice ngayon ay 14 taong gulang.

Credit: Venice Bektas Instagram

Katulad ng kanyang ina at ate ay mahilig magtravel si Venice.

Credit: Venice Bektas Instagram

Nakuha ni Venice ang hulma ng mukha at bibig ng kanyang ina na si Ruffa.

Ayon kay Venice, ang kanyang bestfriend ay ang kanyang ina at kapatid.

Credit: Venice Bektas Instagram

Tinatawag ng ibang mga netizen si Venice na “little Ruffa” dahil sa pagkakahawig nito sa ina noong bata pa lamang si Ruffa.

Credit: Lorin Gutierrez Instagram

Talaga namang lumaking napakaganda ng dalawang dalagang anak ni Ruffa. Ang inaabangan ng lahat ay kung susunod sila sa yapak ng ina bilang isang artista o modelo o kung papasok sila sa mundo ng beauty pageant at susunod na magdadala ng korona sa bansa.