Mga basher, pinagtawanan muli si Kim Chiu dahil sa magulong sagot sa isang interview; Kim Chiu, may sagot sa mga basher

Sikat ngayon si ang aktres-singer na si Kim Chiu dahil sa inilabas niyang awiting “Bawal Lumabas”. Hinango ang lyrics ng awitin sa kontrobersyal na inilabas na statement ni Kim noon tungkol sa pagpapasara sa Kapamilya Network.

Credit: Kim Chiu Instagram      

READ: KIM CHIU, MASAYA SA KINALABASAN NG KANYANG AWITING “BAWAL LUMABAS” NA LAGPAS 1M VIEWS NA SA YOUTUBE

Kamakailan ay mayroon na namang nahanap na ibabash kay Kim. Sa isang interview kay Kim ng TV Patrol ay sinubukang ikwento ni Kim ang kanyang pagbangon pagkatapos ng nangyaring pangbabash sa kaniya noon.

Credit: ANC 24/7 Facebook

Naging emosyonal si Kim habang sumasagot sa interview at dahil siguro dito ay hindi niya masyadong na-ipaliwanag ang kanyang saloobin.

“Para akong nabuhayan na na na… natayo ko yu… natayo… para s’yang umikot na 3-6 -360 parang… Uy dito tayo! Punta tayo dito. Yung ganun. Yung di ko na ma… from a stranger… from a stranger yung nangyari.”

Credit: Kim Chiu Instagram

Dahil dito ay pinagtawanan at kinutya muli si Kim ng kanyang mga basher.

“wahahaha my bago nanamang lalabas na kanta si kim laki nan siti…Stranger 360 title ??”

“Kim’s 1st Mini Album ? .Bawal lumabas .360° .From a stranger”

Credit: Kim Chiu Instagram

“Pinagsasasave nito?! ?? ateng, dame mo money, tutal naman quarantine walang work. Bat d ka mag aral? Take this time to enhance your knowledge. Pra next time pag may gusto kang sabihin madeliver m ng maayos?”

May sagot naman si Kim sa kanyang mga basher na tinawag niyang classmates.

Credit: Kim Chiu Instagram

“That feeling na ‘yung classmate mong hinihintay kang magkamali tas pagtatawananan na naman nila kahit nonsense na!!!”

Dinagdag pa ni Kim na busy siya ngayon sa pag-aasikaso sa mga Bawal Lumabas merchandise niya na ibinibenta para pangfund raising.

Credit: Kim Chiu Instagram

Hinimok din niya ang kanyang bashers na maging reseller na lang ng kanyang merchandise para makatulong sa ibang tao.

Credit: Kim Chiu Instagram

“Classmate! busy ako magayos ng bawal lumabas merch! For fundraising. Gusto mo maging reseller na lang? Para may magawa ka and makatulong sa kapwa???”