Mickey Perz, masayang masaya sa pagdating ng kanilang pangalawang baby na si River Indigo

Masayang ibinahagi ng mag-asawang former pinoy big brother housemates na sina Gee-Ann Abrahan at Mickey Perz ang kanilang pangalawang anak. Noong Sabado, May 1 ng isinilang ni Gee-Ann Abrahan ang kanilang pangalawangan anak na pinangalanan nilang River Indigo.

Credit: Mickey Perz instagram

Sa instagram ni Mickey nag bahagi siya ng close-up photo ng kanilang bagong silang na anak at may caption ito na, “Happy labor day” and the hashtag “#PerzBabyBoy.” Marami naman ang nag congratulate sa dancer at choreographer na si Mickey sa kanyang post ng kanyang bagong silang na baby boy.

Credit: Mickey Perz instagram

Tuwang tuwa rin ang mga ka trabaho ni Mickey sa ABS-CBN at iba pa nitong malalapit na kaibigan sa industriya na nag iwan rin ng komento sa larawan na ibinahagi ni Mickey sa kanyang instagram account.

Credit: Mickey Perz instagram

Samantala, nag bahagi rin si Abrahan sa kanyang instagram ng larawan ng kanilang bagong silang na anak, at kasama ng larawan kung saan sila ay nasa hospital pa. “Happy LABOR Day!
? River Indigo Perz ▪︎ 01.05.2021” Ang sabi ni Abrahan sa kanyang caption.

Credit: Mickey Perz instagram

Ngayon nga ay dalawa na ang anak nina Mickey at Abrahan, isang babae at isang lalake. Apat na rin sila bilang isang pamilya. Masaya nga namumuhay ang pamilyang Perz at madalas naman mag bahagi ng larawan ang mag asawa sa kani-kanilang social media account kung ano ang kaganapan sa kanilang buhay kasama ang anak.

Credit: Mickey Perz instagram

Napakaganda at bibo nga ng panganay na anak nina Abrahan at Mickey kaya naman inaasahan din na lalaking gwapo ang kanilang pangalawang anak na si River Indigo. Matatandaan sa nakaraang interview nga ni Perz sa Push ay sinabi nito na gusto nya daw magka anak sila ni Abrahan ng atleast tatlo.

Credit: Mickey Perz instagram

Kinasal sina Mickey Perz at Gee-Ann Abrahan noong 2016. At lumipas ang dalawang taon ng sinilang ni Abrahan ang kanilang unang anak na babae.

Credit: Mickey Perz instagram