Tingnan ang nakakatuwang kulitan ni Carlo Aquino at napakacute nyang anak na si Enola Mithi

Tunay nga namang musika sa tenga ng bawat magulang ang hagikgik ng kanilang anak.
Labis na kinagiliwan ng mga netizens ang latest post ng actor na si Carlo Aquino noong Biyernes, March 5 kasama ang kanyang napaka cute na unica ija na si Enola Mithi.

Credit: Enola Mithi instagram

Sa instagram account ng kanyang 5 months old baby, makikita ang isang video na tinuturuan ni Carlo si baby Mithi mag close open pero tila mas mabilis pa ito kesa sakanya kaya naman sa caption sinabi nito na “Ang bagal naman ni daddy”

Credit: Enola Mithi instagram

Natuwa naman ang netizens sa father and daughter bonding ng dalawa at kinabiliban si Carlo para sa pagiging hands on nito sakanyang panganay. Anak ng aktor si Enola Mithi sa kanyang non showbiz partner na si Trina Candaza at ipinanganak ito noong Septmber 13 last year.

Credit: Enola Mithi instagram

Bagamat limang buwan pa lamang si Mithi, mababanaag na sa mga larawan nito sa kanyang instagram account na talaga namang napakaganda ng pinaghalong genes ng kanyang mga magulang.

Credit: Enola Mithi instagram

Kitang kita kay Carlo ang pagiging proud dad nito sakanyang first born baby, sa katunayan sa isang hiwalay na post, sinabi nito sa caption sa isang larawan ng kanyang anak na “You can thank your stars all you want but I will always be the lucky one.”

Credit: Enola Mithi instagram

Naging low key at tahimik ang relasyon ni Carlo sa mommy ng kanyang baby at hindi kaagad isina publiko ang naging pagbubuntis ni Trina. Bagamat naging ugong ugong na ang relasyon ni Trina at Carlo sa unang buwan ng taong 2019, ganap palamang nila itong inanunsyo sa publiko noong October 2019 matapos itong kumpirmahin ni Carlo sa isang panayam sa Tonight With Boy Abunda.

Naging maganda ang takbo ng karera sa showbiz ni Carlo mula pa noong bata ito, huli itong gumanap bilang Abraham Kamlun sa ABS CBN series na A S0liders Heart at Jordan Cabrera sa La Vida Lena noong nakaraang taon.