Napakacute na anak nina Erwan Heussaff at Anne Curtis na si Baby Dahlia Amelie, nagdiwang na ng kanyang ika-1 taong kaarawan

Wala na nga namang mas sasaya pa sa isang nagulang na nakikita ang kanyang anak na masigla, masaya at lumalaki. Hindi mo man mapigilan ang oras at tila napakabilis talaga nito.

Credit: Anne Curtis/ Erwan Heussaff instagram

Parang kailan lang nang mabuntis at maipanganak ni Anne Curtis si Baby Dahlia Amelie. Sa kanilang paglipad sa Australia para sa panganganak ni Anne, ay matagal din silang namalagi doon dahil naabutan sila ng lock down bunsod ng C0VlD.

Credit: Anne Curtis/ Erwan Heussaff instagram

Kaya naman, lahat ng mga monthly birthday celebration ni Baby Dahlia ay naipagdiwang nila sa Australia. Hindi naman tayo nahuhuli pagdating sa mga update kay baby. Binubusog nga naman talaga tayo ni Anne at Erwan ng mga larawan ni Baby Dahlia sa social media. Hindi nakapagtataka kung bakit aliw na aliw at talagang mahal na mahal ng mga netizens si Baby Dahlia.

Credit: Anne Curtis/ Erwan Heussaff instagram

At noong March 2, nagdiwang na si Baby Dahlia ng kanyang 1st birthday. At sa wakas, nakakatuwa na dito na sa Pinas nila ito naipagdiwang dahil nakauwi na sila noong Pebrero. Kaya naman, sa unang kaarawan ni Dahlia ay nagpaabot si Anne ng napaka touching na mensahe kay baby.

Credit: Anne Curtis/ Erwan Heussaff instagram

“She owns every little bit my heart. Happy 1st Birthday to my Dahlia Amélie.
I love her to the moon and back infinity times ?,” mensahe ni Anne.

Credit: Anne Curtis/ Erwan Heussaff instagram

Kalakip pa nito ay ang isang quote mula kay Robert Munsch,
“And to quote one of my favourite books by Robert Munsch that I love to read to her with so much feelings – “I’ll love you forever,
I’ll like you for always,
As long as I’m living,
my baby you’ll be” ?,” saad ni Anne.

Credit: Anne Curtis/ Erwan Heussaff instagram

Pahabol pa niya, sa susunod daw ay bibigyan na niya ng clip ang buhok ni Anne. Sa ngayon, ay ayaw pa daw talaga niyang pagupitan ito. Kaya naman, masayang masaya ang bubbly at healthy baby sa kanyang 1st birthday.

Credit: Anne Curtis/ Erwan Heussaff instagram