Netizens, pinaw0w ni Yam Concepcion dahil sa kanyang new haircut ngayon

Isa sa mga magagaling na aktres sa henerasyon na ito ay si Yam Concepcion. At sa kanyang latest IG ay na sorpresa ang lahat lalo na ang mga netizens sa napakagandang new look niya ngayon.

Talaga nga namang napakaganda ni Yam at bagay na bagay sa kanya ang kanyang napakahabang buhok. Pero ngayon, ay mas umangat ang kanyang angking ganda sa new look niya na nagpa short hair siya.

Makikita sa larawan ng Kapamilya actress na nagbahagi ng kanyang larawan na may full bangs na talaga namang bagay sa kanya. Kalakip ng caption na ito ay, “GOT BORED CvT MY HAIR GAVE ME SOME BANGS.jpeg.”

At siyempre, todo naman ang suporta at compliment ng mga ka trabaho ni Yam sa showbiz. Lubos ang kanilang papuri at paghanga kay Yam lalo na’t sa kanyang angking ganda. “Ganda!” pahayag ni Angelica Panganiban. “Kyottt,” saad naman ni Glaiza de Castro.
“I love it,” komento ni Katarina Rodriguez.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yam Concepcion (@yamconcepcion)

Samantala, heart-eyes emojis naman ang makikitang kinomento ni Iza Calzado at Chie Filomeno. Pareho din silang na amaze na makikita naman sa kanilang mga komento.

Sa ngayon, mapapanood si Yam sa kanyang parating na teleserye sa ABS-CBN na “In!t sa Magdamag” makakasama niya dito si Gerald Anderson at JM de Guzman.

Ito ay kwento ng isang congresswoman at sa kanyang relasyon sa kanyang aspiring politician-na asawa at isang community doctor na nagkaroon siya ng nakaraang relasyon dito. Sa direkyon ni Raymond Ocampo, makakasama ang Init sa Magdamag sa Primetime Bida lineup simula April 19.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yam Concepcion (@yamconcepcion)

Bukod dito, lubos ding nakilala si Yam sa kanyang mga naging k0ntra b!d@ roles lalo na sa “H@l!k” na kasama si Yen Santos at Jericho Rosales na talagang napag-usapan at sumikat din.

Bilib na bilib naman ang mga netizens kay Yam. Hindi lang sa kanyang angking ganda kundi maging sa kanyang talento at personality.