Officially Mommy na! Aktres na si Roxanne Barcelo, nanganak na.

Nito lamang nakaraang ika-7 ng hunyo, taong kasalukuyan, araw ng lunes, ibinahagi ng s3xy actress na si Roxanne Barcelo ang pagbibigay buhay niya sa kaniyang panganay na anak. Sa kaniyang ibinahaging larawan, makikita ang kagalakan niya bilang pagiging ina. Ang kniyang caption ay naglalaman lamang ng; “Here’s to the rest of our lives. @dababycinco”

Credit: Roxanne Barcelo instagram

Marami sa kaniyang mga tagahanga ang nagalak sa kaniyang pagbabahagi na siya ay isang ganap na ina na sa kaniyang unang anak. Ilan sa mga komento ay; Jackielou Angeles Delos Trinos:
Congrats po Ms. Roxy welcome to the motherhood stage Kim Angel M. Ferrer:
Congrats po! Sana all pag nanganak maganda pa rin hihi

Credit: Roxanne Barcelo instagram
Nonescan Antonio LLacuna Glenda: Congrats Roxy & thank God for safe delivery & you are both healthy… Kuya Arnel Alconaba: congratulation sa iyong baby. welcome to motherhood stage

Credit: Roxanne Barcelo instagram

Wala ng iba pang detalyeng isinaad ang aktres tungkol sa kaniyang panganganak, ngunit base sa kaniyang suot na hospital gown, siya ay nanganak sa Makati Medical Center. Ibinahagi ni Roxanne ang kaniyang pagbubuntis sa kaniyang YouTube vlog noong Enero ngayong taon. Ayon sa kaniya, ito ang pinakamagandang plano sa kaniyang buhay.

Credit: Roxanne Barcelo instagram

Dagdag pa niya, “Mga badidap [how she addresses her fans], I wanted to share with you all that I’m preggo. So, ang iniisip namin ng husband ko was that it would take us a year kasi yun yung sabi ng OB-gyne. Iyon, so, it didn’t take that long.”

Credit: Roxanne Barcelo instagram

Nitong ikatlong araw sa buwan ng abril naman niya isiniwalat ang kasarian ng kaniyang pagdadalang-tao. Ibinahagi niya rin ito sa pamamagitan ng kaniyang vlog. Ilang mga fans ang pabirong nagkomento ng, “Husband reveal naman ang next.” Matatagalan pa nga siguro bago makilala ng kaniyang mga fans ang kaniyang asawa na nakabase sa Hong Kong.

Credit: Roxanne Barcelo instagram

Sa naging interview niya sa I Feel You, nitong nakaraang Pebrero, sabi niya “Alam naman ng lahat ng tao na I like to share too much. “I always like to share. But this time, I really have to respect his decision to stay private. “I’m hoping one day dahan-dahan na pwedeng kahit boses man lang, pa-Big Brother ang peg.” Nitong nakaraang taon, k@sagsagan ng p@ndemya nang ma-engage at ikasal si Roxanne.