Pagkatapos mabiyayaan ni Marcelito Pomoy ang isang kaawa-awang lola ng isang bagong bahay, namahagi naman siya ngayon ng lulutuing manok at bigas sa isang barangay sa Quezon

Kamakailan ay nagtrending ang pangalan ng America’s Got Talent grand finalist na si Marcelito Pomoy nang kumalat ang balita na namigay siya ng bahay para sa isang matandang babae sa Quezon Province.

Credit: Marcelito Pomoy YouTube      

Bago pa man mabigyan ni Marcelito si Nanay Auro Verano ng bagong bahay ay nasa kaawa-awang sitwasyon ito dahil ang kanyang bahay ay halos sira-sira na.

Credit: Marcelito Pomoy YouTube

Nang malaman ito ni Marcelito ay umaksyon siya agad at naipatayo niya ang bagong bahay ni Nanay Auro sa loob lamang ng apat na araw.

Credit: Marcelito Pomoy YouTube

Hindi natapos dito ang pagiging matulungin ni Marcelito dahil tuloy-tuloy pa rin siyang namigay ng tulong sa mga nangangailangan sa bayan kung saan lumaki ang kanyang asawa.

Credit: Marcelito Pomoy YouTube

Napili ni Marcelito na mag-abot ng tulong sa Barangay Kuyaoyao sa Quezon dahil isa ito sa pinakamalayong bayan sa munisipyo at talaga naman daw na kailangan talaga ng tulong ng mga tao doon.

“Kami po ay pupunta na sa lugar sa Kuyaoyao kung saan itong lugar na ito ay napakalayo… more than one hour ang biyahe. So ito ang pinili namin na lugar na bigyan ng relief, sobrang napakahirap po ng kalagayan nila dun. And then pamasahe palang papunta ng bayan more than 400 na isang tao.”

Credit: Marcelito Pomoy YouTube

“And then sa totoo lang, ‘yung mga estudyante dun, ‘yung mga mag-aaral, lalakad sila sa school nila… yung iba dumadaan sa tubigan kaya sobrang hirap.”

Nagpasalamat din si Marcelito sa mga sumusuporta sa kanyang pagtulong sa mga taga-Quezon at hinikayat din niya ang mga gusto pang tumulong at gamitin siyang tulay para ipaabot ang kanilang tulong.

Credit: Marcelito Pomoy YouTube

“Kaya salamat po sa lahat ng sumuporta at nagbigay ng mga tulong. Isang napakalaking biyaya po nito para sa kanila. Kaya sa lahat ng may mabubuting puso. Again, pwede po akong maging tulay para makatulong sa iba… sa mga mas nangangailangan pa sa akin.” 

Lubos-lubos naman ang pasasalamat ng mga taga-barangay Kuyaoyao sa mabuting puso ni Marcelito at sa kanyang pagpili sa kanila para maabutan ng tulong.