Lara Quigaman at Marco Alcaraz, hindi inasahang magiging emosyonal ang panganay na anak nang malaman ang gender ng kanyang magiging bunsong kapatid

Sa wakas ay ni-reveal na ni Lara Quigaman at Marco Alcaraz na ang gender ng pinagbubuntis ni Lara ngayon ay isang baby boy.

Credit: The Alcaraz Family YouTube

Nireveal nila Lara at Marco sa kanilang pamilya ang gender ng baby sa pamamagitan ng video chat at kalaunan ay inupload nila ang mga nangyari sa gender reveal sa kanilang YouTube channel.

Credit: Lara Quigaman Instagram

Sa Instagram account ni Lara ay naglabas siya ng teaser ng kanilang gender reveal.

Credit: The Alcaraz Family YouTube

“Is it a Girl or a Boy again? Gender Reveal premiering now on our YouTube Channel www.youtube.com/TheAlcaraz. May mga umiyak at tumawa ? Hope you can join us. ❤️ See you there!”

Credit: The Alcaraz Family YouTube

Marami ang nasiyahan sa balita na baby boy muli ang magiging anak nila Lara ngunit hindi ang panganay na anak nila na si Noah.

Credit: The Alcaraz Family YouTube

Nang pinutok ni Lara ang lobo at nakita ni Noah na color blue ang lumabas na confetti ay agad itong nag walk-out at pumunta sa banyo.

Credit: The Alcaraz Family YouTube

Sinundan naman agad nila Lara at Marco ang kanilang anak at nalamang naging emosyonal ito dahil ang gusto niyang maging kapatid ay isang baby girl.

Credit: The Alcaraz Family YouTube

Kinausap ng masinsinan ni Lara at Marco ang panganay na anak at sinabing kahit ano pa man ang gender ng kanyang magiging kapatid ay blessing ito galing sa Diy0s.

Credit: The Alcaraz Family YouTube

Sa isang parte ng video ay umiiyak namang nagbigay ng mensahe si Lara sa mga taong nanghihinayang na hindi baby girl ang kanyang pinagbubuntis.

Credit: The Alcaraz Family YouTube

“Pangungunahan ko na kayo na sana wag ninyo sabihing sayang ang aming baby number three kasi hindi sayang ang baby namin.”

“Kahit hindi siya girl, kahit boy siya, we are very happy that this is a baby boy and I’m so excited. Sabi ko nga I have dreamt of this baby twice. Kung paano ko napanaginipan si Tobias at si Noah. So this baby is not sayang. This baby is a gift! This baby is a blessing.”

Credit: Lara Quigaman Instagram

Sa September ipapanganak nila Lara ang isa pa nilang baby boy at lubos silang nagpapasalamat sa lahat ng nanalangin para sa kanila.

Credit: Lara Quigaman Instagram

“Waaahhh we are soooo excited and thankful! Putting all our trust in Jesus alone! ❤ Thank you everyone for praying with us and for us.”