Panganay ni Andi Eigenmann na si Ellie Ejercito, 11 taong gulang na!

Ellie turns 11! Sa IG reels ni Andi Eigenmann, binati niya ang kanyang panganay na anak na si Ellie sa kanyang 11th birthday. Sa kaniyang caption,

Credit: @andieeigengirl Instagram

“Happy Birthday to this little lady. The p@st 11 y3ars 0f my life h@ve b33n golden because you are in it. H0ping it’s ev3n just half as am@zing for you. I am here f0r you all the way, my girl 4 life! Moma loves you Ellie!”

Credit: @andieeigengirl Instagram

kasama ng mga random pictures mula sa baby photos hanggang sa present photos ni Ellie . Labis-labis na pagmamahal ang ibinubuhos ni Andi kay Ellie bilang ito nga ang kanyang panganay.

Credit: @andieeigengirl Instagram

Ang post ay umani ng maraming likes and “Happy Birthday” comments mula sa netizens at mga sikat na celebrity icons at personalidad gaya nina Cherry Pie Picache, Sherilyn Tan na nagsabing “Happy Birthday Ellie!!!! We love and miss u”, Michael Eigenmann, Lauren Young, at iba pang nagbahagi ng kanilang pagbati.

Hindi naman nagpahuli ang biological father ni Ellie na si Jake Ejercito, sa pagbati para sa special day ng kanyang anak. Sa IG post nito, ang caption ay, “Daigdig ko. Happy birthday”. Gaya ng libu-libong birthday greetings sa post ni Andi,

Credit: @andieeigengirl Instagram

marami ring celebrities and personalities ang bumati kay Ellie gaya nina KaladKaren “Happy Birthday, beautiful girl!”, Cheerry Pie Picache “Happy Birthday Ellie!!!! God’s brightest blessings!!!”, Sunshine Dizon, Sylvia Sanchez, Sunshine Dizon, Dimples Romana at iba pang nagbahagi ng paghanga at pagbati sa kanyang unica hija.

Credit: @andieeigengirl Instagram

Marami ring humahanga kay Jake Ejercito dahil sa IG account nito, halos lahat ng contents ay tungkol kay Ellie. Maging sa story highlights niya ay si Ellie lahat ang laman.

Credit: @andieeigengirl Instagram

Sa nagdaang kaarawan ni Ellie, maraming nagbuhos ng kanilang paghanga at pagmamahal na nagmula sa netizens, mga kamag-anak, lalong-lalo na sa kanyang mga magulang. Ang co-parenting ni Andi at Jake para sa kanilang anak na si Ellie ay nagsisilbing inspirasyon sa nakararami.

Credit: @andieeigengirl Instagram

Labis ang pagmamahal at pasasalamat ng dalawa na dumating sa kanilang buhay ang kanilang anak. Sa mga magdaraan pa niyang kaarawan, nakaalalay lamang ang dalawa, kasabay ng paghanga ng maraming tao sa kanila at sa kanilang anak. Muli, Happy Birthday Ellie!

Credit: @andieeigengirl Instagram