Panibagong Tagumpay! Dimples Romana may bagong negosyo abroad

Ang kilalang k0ntrabida Aktres ng Kadenang Ginto na si Dimples Romana ay matagumpay na nakapagbukas ng kaniyang restaurant sa Singapore, kasama ang kaniyang mga business partners.
Alegria Singapura, kung tawagin. Ang bagong restaurant na ito ay matatagpuan sa 18 Teck Lim Road, at nagseserve ng “non-traditional Latin American” dishes.

Credit: Dimples Romana instagram

Sa Instagram post ng aktres, lubusan ang pasasalamat ng aktres na si Dimples Romana sa mga sumuporta sa kaniyang panibagong karera sa negosyo, na nag-umpisa noong April 22.
“The past week has been a blast as our Team Alegria in Singapore has been experienced and enjoyed by locals and our fellow Filipinos — the food, the ambiance, the drinks,” saad ng aktres.

Credit: Dimples Romana instagram

“A big thank you to everyone who keeps sending us and tagging us their photos, videos of their food, and dining experience. You guys are the best! We are open from Tuesdays to Saturdays,” dagdag niya pa.

Ang kaniyang restaurant na Alegria Singapura ay naghahandog ng iba’t-ibang masasarap na putahe, mula sa appetizers, main dishes, at desserts. Ang kanilang mga isini-serve ay pinagsama-samang mga ideya mula sa kusina ng mga Latin, European,at Asya.

Credit: Dimples Romana instagram

Ilan sa mga makikita sa kanilang menu ay tacos na tinatawag na Koreana (prawn, ssamjang aioli, esquites, kimchi, at cottija), Japonesa (steak, mango salsa, wasabi mayo, at furikake), at Sisig (p0rk belly, pig’s 3ars, mango salsa, at chicharon).

Noong unang ibinahagi ni Dimples ang tungkol sa Alegria Singapura noong buwan ng Enero, wala sa hinagap ng aktres, at di siya makapaniwalang siya at ang kaniyang mga business partners ay makararating sa abroad.

Credit: Dimples Romana instagram

“Never in our wild3st dr3ams did we ever imagine @boyetahmee and I will have a business venture outside of the Philippines and a posh restaurant in Singapore at that,” Saad niya nang una nilang ibinahagi ng asawa ang kanilang plano sa pagpapatayo ng restaurant business.

Credit: Dimples Romana instagram

Bukod sa panibagong karera niya sa pagtatayo ng restaurant, plano rin ng Kapamilya actress na magpatayo ng paaralan para sa acting at personality development.