Panoorin: Nakakatuwang pagsayaw at pagkanta ng panganay na anak nila Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Zia

Marami ang naaaliw sa panganay na anak nina Kapuso celebrity couple Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Zia. Bukod sa pagiging maganda ay may talento rin na itinatago si Zia sa pagkanta at pagsayaw.

Credit: @dyzsuperfan Instagram   

Bago magtapos ang taong 2020 ay hinandugan ni Zia ng isang dancing at singing performance ang mga netizen. Mapapanood sa video na ibinahagi ni Dingdong sa Instagram ang nakakatuwang performance ni Zia.

Credit: @dyzsuperfan Instagram

Humataw sa kantang “How You Like That” ng South Korean girl group na Blackpink si Zia. Kahit hindi kabisado ang dance steps ng kanta ay hindi ito alintana ni Zia. Nakikisabay pa ang kanyang Mommy Marian sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ???????? ??❤️ (@dyzsuperfan)

Makikita sa video ang pagkakahawig ni Zia sa kanyang Mommy Marian lalo na sa kanilang mga galaw at ganda. Matching yellow polka dot dress din ang suot nina Marian at Zia.

Credit: @dyzsuperfan Instagram

Sa isang hiwalay na Instagram update ni Dingdong ay makikita naman si Zia na todo-bigay sa pagkanta.

Kinarir ni Zia ang pagkanta sa ilang hit-song ng bandang The Beatles na “Yesterday” at “Let It Be”.

Isang kutsara naman ang nagsilbing mikropono ni Zia. Bumirit din si Zia sa kanta ni Katy Perry na “Roar”.

Credit: @dyzsuperfan Instagram

Tuwang-tuwa naman ang mga netizen sa naging performance ni Zia. Komento nila:

“Ganda zia, galing kumanta kaboses nya si Marian may pagka husky Happy New Year”

“Sooo cute!! combine ang talent sa parents…”

“ang galing..so bibo..love u ate z”

“Shes an entertainer now like Mom and dad.. O wow..youre so talented zia”

Credit: @dyzsuperfan Instagram

Noong November 5 lamang ay ipinagdiwang ni Zia ang kanyang ika-5 taong kaarawan. Matatandaang naging usap-usapan ang reaksyon ni Zia matapos siyang batiin ng kanyang mga iniidolong personalida. Kasama rito ang “The Voice Philippines” coach na si Sarah Geronimo.

Dati pa man ay madalas nang ikwenento ni Marian na idol na idol nga ni Zia si Sarah. Kaya naman hindi maiwasang kiligin ni Zia nang batiin siya ni Sarah sa kanyang kaarawan. Kabilang din sa bumati kay Zia ang magkakapatid na sina Ranz, Niana at Natalia na nakilala dahil sa kanilang galing sa pagsasayaw.