Paolo Ballesteros at ‘my darling daughter’ na si Keira, masayang nagdiwang ng kanilang kaarawan

Kilala nating lahat si Paolo Ballesteros bilang isa sa mga hosts ng noontime show na Eat Bulaga. Marami ang aliw na aliw sa kanya dahil siya ang isa sa mga nagpapatawa at nagbibigay aliw sa mga dabarkads.

Credit: @pochoy_29 Instagram

Mahal na mahal ng marami si Paolo. Nakitaan din natin ng talento si Paolo sa make up transformation. Ilang celebrities, beauty queen at international stars ang ginaya ni Paolo. Kuhang-kuha ang mga aura at mga hitsura nila. Nakakaamaze nga naman ang mga ito.

Credit: @pochoy_29 Instagram

Isa din sa mga mapapanood si Paolo ay ang sikat ngayon na pagiging Drag Queen. Isa si Paolo sa nga certified drag queen na napakaganda at talagang mapapa wow ka. Ngayon, nagdiriwang si Paolo ng kanyang kaarawan. Ngayon ay ang kanyang 40th birthday. Sabi nga nila, life begins at 40. Kaya, panibagong yugto ito ng buhay ni Paolo.

Credit: @pochoy_29 Instagram

Bukod dito, kasabay ng kanyang birthday ay ang kaarawan ng kanyang anak na si Keira Claire. Siya ang anak ni Paolo sa kanyang x-girlfriend na si Katrina Nevad@.

Credit: @pochoy_29 Instagram

“Happy birthday to us my darling daughter. I love you,” pagbati ni Paolo.
Masaya si Paolo sa kanyang kaarawan lalo na at nakasama niya ang kanyang unica hija. Bonding moments na rin sa kanila ang kanilang selebrasyon na ito.

Syempre, sa kanilang kaarawan ay nagpapasalamat sila sa Diyos sa panibagong taon ng kanilang buhay. Maging ang mga kasamahan sa trabaho at kaibigan ni Paolo ay binati ang mag-amang Paolo at Keira sa comments section, gaya nila Dabarkads Ryan Agoncillo at Maja Salvador.


Credit: @pochoy_29 Instagram

Bumuhos din ang mga pagbati ng mga netizens para kay Paolo at Keira. Narito ang ilan sa kanilang mga pagbati.

Credit: @pochoy_29 Instagram

“Happy birthday Pao and ur lovely daughter God bless you both 🎉🎂🍰🎊🎈🎈”

“Happy Birthday po sa inyong dalawa God bless and good health 🎂🎁🎈🎉❤️❤️❤️”

Credit: @pochoy_29 Instagram

“Happiest birthday to both of you 🎂🎉🎊 God bless you.and Good health ❣️Paolo and Keira🥰💞”

Credit: @pochoy_29 Instagram