PBB Unlimited winner na si Slater Young at asawang si Kryz Uy, masayang ibinalita ang pagkasilang ng panganay na anak

Sa kabila ng mga hindi magagandang nangyayari ngayon sa kapaligiran ay meron pa ring mga balita na masasabi mong nakakapawi ng lungkot at mga agam-agam. Ito ay mga kwentong tungkol sa panibagong buhay at pag-asa.

Credit: Slater Young Instagram 

Ganito ang magandang balitang bumungad ngayon sa mga kaibigan at taga-suporta ng mag-asawang Slater Young at Kryz Uy.

Sa Instagram account ni Kryz ay pinost niya ang una nilang family photo kung saan makikita ang napa-cute at chubby na anak nilang lalaki. Pinangalanan nila itong Scott Knoa.

“our little burrito, Scott Knoa ?”

Credit: Kyrz Instagram

Si Scott ay ipinanganak ni Kryz ito lamang June 2 sa pamamagitan ng isang natural birth.

June 2, 2020, 7.9lbs (lol) born naturally ✨”

Sa post ni Kryz ay nagpasalamat siya sa lahat ng mga nag-alaga at tumulong sa kanila para safe na maipanganak si baby Scott.

Credit: Kyrz Instagram

“Huge thank you to the labor and delivery staff of CHH Mandaue and our amazing OB @tpm for taking such good care of me and our little family. Best experience ever. ❤️”

Umapaw ang mga masasayang komento tungkol sa pagkakasilang kay baby Scott.

“Our little siopao cutie patootieeeee Scottieeeee???”

Credit: Kyrz Instagram

“GIGIL!! This really makes me so happy ? He’s adorable and I can’t wait to met him. Congratulations Kryzziefer and Slater!!”

“Congrats my love!!! So happy for you both. ❤️⭐️❤️ Can’t wait to meet him. ??”

“Finally baby is out! Congratulations Kryz and Slater ?”

“Huge congrats babe ???”

Credit: Kyrz Instagram

“HUOY SOBRANG CUTE NIYA ???”

“OMG CONGRATULATIONS!!!!!!! SO ADORABLE!!!!!! YOU ARE SUPER!! Congratulations both!”

“FIRST BLOGGER BESTIE BABY!!!!!!!!!❤️”

Si Slater Young ang pinakaunang lalaking tinaguriang Pinoy Big Brother big winner kung saan sumali siya sa Pinoy Big Brother: Unlimited Edition. Ang asawa naman ni Slater na si Kryz Uy ay isang sikat na vlogger sa YouTube.

Credit: Slater Young Instagram

Noong February 17, 2019 ikinasal ang dating PBB winner na si Slater Young at si Kryz Uy sa Mactan, Cebu. Ibinahagi ng dalawa ang magandang balita ng pagdadalang-tao ni Kryz noong December 1, 2019.