Phil Younghusband, sinabing ineenjoy ang bawat sandali bilang isang asawa at ama sa kanilang cute na anak na si Baby Philip

Nakilala si Phil Younghusband sa pagiging batikan at magaling na football player. Matapos ang kanyang paglalaro at inanunsyo ang kanyang official resignation ay nabalitaan nating lahat ang kanyang pagpasok sa buhay pamilya. 2017 nang maging engaged na si Phil kay Margaret hanggang noong July 2019 ay ikinasal na silang dalawa.

Credit: Phil Younghusband instagram

Nagbunga ang kanilang pagmamahalan at naipanganak si Baby Philip at ngayon ay masaya silang namamalagi sa England kasama ang buong pamilya.

Isa sa mga bagong adjustment ni Philip ay ang kanyang pagiging isang magulang. Ibinahagi ni Phil ang kanyang karanasan bilang bagong magulang.

Credit: Phil Younghusband instagram

“Enjoying every second of being a husband and a father. Even with less sleep, being with our beautiful son gives us more energy Philip is so curious and !ntrigued by everything around him. He always wants to be in a position where he can see what’s going on, he doesn’t want to miss a thing 🏻 Family and friends all say, they know where he got that from…,” saad ni Phil.

Credit: Phil Younghusband instagram

Enjoy na enjoy si Phil sa kanyang pagiging daddy ay talagang habang tumatagal ay mas na eexcite siya.

“Every day is a little more exciting, a little more happy, a little more joyful because you are in the world. We can’t put into words how you make us feel every second of the day,” saad pa niya.

Kaya naman, marami ang nakakarelate kay Phil lalo na sa pagiging new parent journey nila. Maging mga netizens ay naiinitidihan at relate na relate sa kanya.

Matatandaang bukod kay Phil ay kasama din niya sa paglalaro si James na kanyang kapatid. 13 taon din silang magkasama ni James bilang mga football players sa English Premier League team Chelsea bago silang maging bahagi ng Philippine Azkals taong 2006.
Sa ngayon, masayang masaya si Phil na kasama ang kanyang mag-ina sa England.