Phoemela Baranda,, masayang ipinagdiwang ang kaarawan ng kanyang partner na si Jason Choachuy kasama ang kanilang cute na cute na anak

Binati ng model at dating entertainment anchor ng isang ABSCBN news na TV Patrol ang kanyang partner na si Jason Choachuy. “To the man who gives us joy & happiness everyday, may all your wishes come true! Happy birthday we ♥️you ! @jasonchoachuy” ito ang pagbati ni Phoemela sa kanyang partner.

Credit: @phoemelabaranda instagram

Si Jason ay isang Filipino-Chinese businessman at professional race car driver. Nagsimulang magdate si Phoemela at si Jason noong November 2019 sa Formula V1 Endurance race sa Clark International Speedway sa Pampanga. Magkakilala na silang dalawa ng pitong taon dahil sila ay magkaibigan at parehong race car drivers.

Credit: @phoemelabaranda instagram

Nagumpisa ang career ni Jason noong 2006 bilang professional race car driver. Nanalo noong 2014 ng dalawang beses si Jason sa Vios Cup at itinanghal na 2nd runner up sa overall.

Itinanghal na kampeon naman si Jason kasama sina Antonio Brias, Don Pastor, Enrique Hormillo ng Race Form Garage 2233 sa 2019 Kalayaan Cup 12-hour endurance race sa Clark International Speedway.

Credit: @phoemelabaranda instagram

Kilala na si Jason sa larangan ng race car driving at marahil dahil dito nagkasundo si Phoemela at si Jason. Ilan sa mga dapat malaman kay Jason ay isa ay tub0ng Cebu. Ang kaniyang pamilya ay galing sa Cebu.


Credit: @phoemelabaranda instagram

Mahilig si Jason sa pag ttravel, paglalaro ng tennis at pati na rin sa pagkain. Sa katunayan, nagkaroon ng food related business si Jason dahil sa kahiligan nito sa pagkain. Sa ngayon, si Jason ay ang ama ng pangalawang anak ni Phoemela na si Illya Naipanganak si Illya noong March 5,2021.

Credit: @phoemelabaranda instagram

Nadagdagan pa ang saya ng dalawa nang dumating ang kanilang baby na si Illya. Pinost noon ni Phoemela ang kanyang picture kasama si baby Illya at si Jason na nakah@lik na sa kanyang cheek. Ito ang kaniyang caption noon bilang pasasalamat sa kanyang panganganak. Pinagdiwang nila ang kaarawan ni Jason kasama ang kanyang pamilya.