Pinatunayan ni Isabelle Daza na mataas ang kanyang tingin sa mga kasambahay

May mga taong mababa ang tingin sa mga kasambahay o mga katulong. Minsan ang tingin ng iba ay utusan lamang sila na para bang robot na kahit madaming inuutos ay hindi napapagod. Madalas may mga kasambahay na naaabus0 kung saan halos parang hindi na tao ang trato ng amo.

Credit: Isabelle Daza Instagram

Ngunit iba si Isabelle Daza, anak ng sikat na beauty queen-actress na si Gloria Diaz. Sa maliit na paraan ay pinatunayan ni Isabelle na mataas ang tingin niya sa mga kasambahay at dapat silang tratuhin din na parang mga professional.

Credit: Isabelle Daza Instagram

Ayon kay Isabelle, pangarap niyang maitaas ang status ng mga kasambahay kung saan tatratuhin din sila na parang nagtatrabaho sa isang kumpanya.

Credit: Isabelle Daza Instagram

Dapat ay nakakatanggap sila ng maayos at tamang sweldo, mga benepisyo, at klarong paglalarawan ng kanilang mga responsibilidad.

Credit: Isabelle Daza Instagram

Sinimulan ito ni Isabelle sa kanyang kasambahay kung saan gumawa siya ng kontrata. Sa kontratang pinirmahan nila pareho ng kasambahay ay nakalagay lahat ng responsibilidad ng parehong partido.

Credit: Isabelle Daza Instagram

Ang mga halimbawa ng nakasaad sa ginawa niyang kontrata ay ang mga sumusunod:

“Mga benepisyo: pagkain sa almusal, tanghalian, at hapunan; mga pangangailangan sa araw-araw tulad ng toothpaste, toothbrush, shampoo, soap, towels, underwear, at cellphone load worth PhP500 per month; at uniporme.”

Credit: Isabelle Daza Instagram

“Ipinagbabawal ng Pinaglilingkuran ang pagsiwalat ng Kasambahay ang mga pribado o kompidensyal na impormasyon na malalaman ng kasambahay tungkol sa paglilingkuran. Ang probihisyon na ito ay magpapatuloy kahit hindi na nalilingkuran ng Kasambahay sa Pinaglilingkuran.”

Credit: Isabelle Daza Instagram

Kasama din sa mga benepisyo ng Kasambahay ni Isabelle ang mga government benefits katulad ng SSS, PhilHealth, at Pag-ibig.

Nakasaad din sa kontrata na pasok sa kasunduan ang Kasambahay law.

Hindi lang ito ang ginawa ni Isabelle dahil kada tatlong buwan ay nagbibigay siya ng questionnaire sa kasambahay para malaman ang kaniyang status at saloobin sa trabaho.

Credit: Isabelle Daza Instagram

Sa questionnaire may mga tanong na pinapasagutan si Isabelle para alam niya kung paano siya maga-adjust bilang amo o employer. Ganito ang mga klase ng tanong na kasama sa questionnaire:

  1. Kelan ka nabibwiset sa akin?
  2. Kelan ka pinakapagod?
  3. Mahal mo pa ba ang trabaho mo?
  4. Anong paborito mong gawin sa bahay?
  5. Ano ang mga pangarap mo sa buhay?
Credit: Isabelle Daza Instagram

Simple man kung titignan ang ginagawa ni Isabelle pero dahil dito ay mas minahal siya ng kaniyang kasambahay at ngayon ay patuloy siyang naglilingkod sa pamilya ni Isabelle.