Pokwang, masayang nakipagdiwang ng Sinulog Festival at talagang pinagkaguluhan pa sya ng mga tao para makapagpalitrato

Kilala ang Pilipinas sa napakayaman na kultura ng ating bansa. Bawat lugar ay may ipinagmamalaking kultura na namana pa natin mula sa ating mga ninuno.

Kasama sa mga kulturang ito ang mga kasiyahan na kung tawagin ay Fiesta at mga festivals. Makukulay na mga damit, banderitas, sayaw at mga banda. Kanya kanya ng kapistahan at kasiyahan.

Credit: @itspokwang27 instagram

Sikat na sikat sa Cebu ang tinatawag na Sinulog Festival. Ito ay ang fiesta at festival na inaalay sa imahe ng Sto. Nino. Inaabangan din sa Sinulog ang mga masisiglang tugtog at mga sayaw upang bigyang pugay ang Poon.

Maging ang mga artista ay nakikisali dito. May mga ilan na debosyon talaga nila na manood at makisali sa Sinulog. Gaya na lamang ni Mamang Pokwang.

Credit: @itspokwang27 instagram

Sa kanyang IG post, makikita na sinasayaw niya ang Poong Sto Nino sa mismong street dance ng Sinulog festival.

“Sarap ng pakiramdam na experience ko ang once a year na pinag uusapan sa buong mundo #sinulog2020 thank you to my @regasco.ph family ❤️? grabe sarap sa pakiramdam na niyayakap mo ang iyong sariling kultura at nakikisaya kasama ng mga totoong tao ?? salamat po mahal na sto. Niño #vivapitsenyor,” masayang pagbabahagi ni Pokwang.


Sa kanyang ineedorsong produktong Regasco, ay nagpasalamat din siya sa oportunidad na ito.

Maging ang Regasco ay nagpost sa kanilang social media ng pasasalamat.

Credit: @itspokwang27 instagram

“Mula sa Regasco, kami ay nagpapasalamat sa lahat ng tumulong at nakisaya mula pagsisimula hanggang sa pagtatapos ng Regasco Invasion Sinulog 2020 sa Cebu at higit sa lahat, kay Mamang Pokwang na nagpasaya sa ating mga ka-Cebuano, at sa SPCFI.

#Regasco #Sinulog2020 #Pokwang #SPCFI #PamPinoy #FreeDelivery #LibrengDeliveryTalaga #AlagangREGASCO #RepublicGasCorporation,” saad ng Regasco.

Credit: @itspokwang27 instagram

Habang ang netizens na ito ay nag enjoy lalo na at nakita niya din si Mamang Pokwang.

“Sinulog Festivities is full on today! I had fun spending time with the one and only “Pambansang Mamang” Pokwang with REGASCO at SM City Cebu.

It was a short and fun-filled afternoon! Let me know where you’re at today! #sinulog2020 #regascolpg,” sambit pa ng isang netizen.

Credit: @itspokwang27 instagram

Samantala, patuloy naman ang kasiyahan ng Sinulog Festival at pagdagsa ng mga turista.