Pretty selfie ni Maine Mendoza, pinahanga ang kanyang mga fans

Sino nga ba ang hindi nakaka-kilala sa Kapuso star na si Maine Mendoza? Tiyak na maraming netizens ang nakaka-kilala rito at pamilyar kay Maine dahil sa kanyang galing sa pagpapa-tawa at pag-papasaya ng mga tao.

Credit: Maine Mendoza instagram

Matatandaang unang nakilala ng mga netizens si Maine nang mag viral ang kanyang mga Dubsmash videos kung saan nagkaroon ito ng pagkakataon upang maging parte ng longest running show na Eat Bulaga noong 2015.

Credit: Maine Mendoza instagram

Simula noon ay nagkar00n ito ng kanyang sariling segment na “Kalyeserye” araw-araw sa Eat Bulaga at naging ka-loveteam nito ang sikat din na aktor ngayon na si Alden Richards.

Dahil dito ay maraming netizens ang kinilig at kinagiliwan si Maine kaya naman nagkaroon ito ng maraming taga-hanga at mas nakilala ito ng nakakarami.

Credit: Maine Mendoza instagram

Hanggang ngayon ay mapapanood pa rin ito sa Eat Bulaga bilang regular host ng show kaya naman patuloy pa rin nitong ipinapakita ang kanyang galing sa pagpapa-saya ng mga Dabarkads.


Credit: Maine Mendoza instagram

Sa paglipas ng panahon ay nagkaroon din ito ng mga iba’t ibang oportunidad at proyekto sa mundo ng showbiz kung saan naging parte ito ng mga kilalang pelikula at naipakita nito ang kanyang natural na talento rin sa pag-art3.

Credit: Maine Mendoza instagram

Ngunit hindi lamang sa galing sa pag-arte at pagpapa-tawa nakilala si Maine, kung hindi pati na rin sa kanyang napaka-masayahin na ugali at napaka-gandang mukha na talagang artistahin ang datingan.

Kaya naman hindi na nakakapag-takang maraming netizens ang nahuhumaling dito sa bawat letratong kanyang ibinabahagi sa kanyang mga social media accounts lalong-lalo na ang kanyang mga random selfies na talagang nakaka-hulog ng puso sa ganda.

Credit: Maine Mendoza instagram

Tulad ng iba pang mga kilalang artista, isa si Maine sa mga active ang kanilang mga social media tulad ng Instagram at madalas itong nagbabahagi ng kanyang mga letrato rito. Kaya naman hindi nakaka-ligtas ang kanyang mga magagandang selfies sa mata ng kanyang mga fans.

Credit: Maine Mendoza instagram

Makikita sa mga latest post ni Maine sa kanyang Instagram account ang kanyang mga cute at magandang selfies na talaga namang nagpapakita kung gaano ito ka-ganda. Mula sa kanyang mga fierce look at all smile na mga selfie, kahit sino ay talagang mahuhulog sa ganda ng aktres.

Credit: Maine Mendoza instagram

Kahit sinong netizen ang makaka-kita rito ay tiyak na mapapa-ngiti ang mga ito dahil sa napaka-fresh na vibe na dala ni Maine sa kanyang napaka-gandang ngiti at fresh na fresh na mukha.