Rachelle Ann Go, ibinida ang kanyang 41 weeks na baby bump

Ano nga ba ang pakiramdam na magkaroon ng baby? Siyempre, siguradong hindi mo nga naman ito mailalarawan sa sobrang saya. Wala nga namang katumbas ang pakiramdam ng pagkakaroon ng anak. Isa ito sa mga laging ipinagdarasal at hinihingi ng mga mag-asawa sa Panginoon.

Credit: Rachelle Ann Go-Spies instagram

At matapos ang ilang taon na paghihintay, sa wakas ay ibinigay na kina Rachelle Ann Go at Martin Spies ang kanilang inaasam-asam na baby. November 2020 noon nang ibahagi nila ang balita na buntis si Rachelle at ngayon nga ay 41 weeks na ito.

Credit: Rachelle Ann Go-Spies instagram

Kaya naman, anytime soon ay mawewelcome na natin sa mundo ang kanilang baby na si Baby Spies. Ineexpect kasi na noong nakaraang linggo ay maisisilang na si Baby kaya naman excited na talaga ang lahat dito. Makikita naman sa IG post ang larawan ni Rachelle na nakahiga at makikita ang kanyang 41-week baby bump.

Credit: Rachelle Ann Go-Spies instagram

“Patiently waiting. God’s timing is always perfect. #41weekspregnant #BabySpies2021 #firsttimemum,” pahayag ni Rachelle.
Walang katumbas ang saya at tuwa sa mukha ni Rachelle samahan pa nito ng cute picture nila ng kanyang asawa na nakatingin lamang sa belly ni Rachelle. Mukhang mismong si Martin ay hindi na makapaghintay sa pagdating ng kanilang baby.

Kaya naman, sa nalalapit na mga araw ay masasakatuparan na ang matagal ng gusto ni Rachelle na maging isang official mom na. At sa pagdating ni Baby Spies, siguradong magiging responsable at mabait na ina si Rachelle sa kanya.

Bumuhos naman ang suporta ng mga netizens sa kanila:
“…you can make it!…although it hurts during c0ntractions, there’s an awesome feeling of RELIEF after delivery of your first born…truly, motherhood is a great feeling of being a woman…GOD BLESS!!!🙏”

“That’s the Spirit!😉 Hope everything is going to be fine.God Bless you and the 🍼♥️”
“May God always guide you and touch you of his powerful hand for your fast delivery soon.May God protect you every time and give you more strength!”