Rachelle Ann Go, masayang ibinunyag na siya ay ‘soon-to-be-mama’ na sa unang anak nila ng kanyang foreigner na asawa na si Martin Spies

“It feels surreal”

Ganito inilarawan ng singer na si Rachelle Anne Go ang naramdaman niya noong unang beses nilang makita ng kanyang foreigner husband na si Martin Spies ang kanilang first baby mula sa ultrasound machine.

Credit: Rachelle Ann Go YouTube        

Sa latest vlog ng Filipino international singer, ay ibinunyag na niya ang matagal na nilang “secret” ni Martin at iyon nga ay ang kanyang pagbubuntis sa unang anak nila.

Credit: Rachelle Ann Go YouTube

Pinamagatan ni Rachelle Ann na “NEW SEASON IN THE SPIES FAMILY|2020 Highlights” ang kanyang latest vlog para ibahagi sa lahat ang masayang balita na natanggap nila ngayong taon.

Credit: Rachelle Ann Go YouTube

Mapapanood sa vlog si Rachelle Ann at Martin na umaapaw ang kasiyahan dahil sa loob ng dalawang taon at pitong buwan nilang pagsasama ay dumating na sa kanila ang kanilang first baby.

Sa unang bahagi ng kanilang “pregnancy reveal” ay makikita sina Rachelle Ann at Martin na sweet na sweet sa isa’t isa at nagyayakapan. Normal na araw lamang iyon sa buhay ng mag-asawa ngunit naging espesyal nang ipakita ni Rachelle Ann ang kanyang baby bump.

Credit: Rachelle Ann Go YouTube

Sa sunod na clip ay makikita naman ang malawak na ngiti ni Martin. Caption ni Rachelle Ann dito, “his reaction the first time he learned that I’m preggy.”

Sa sumunod na clip naman ay ibinahagi ni Rachelle Ann ang pinakaunang ultrasound appointment nila ni Martin na kinunan noong August 21. Hindi maitago nina Rachelle Ann at Martin ang kanilang excitement at kasiyahan nang makita nila ang kanilang baby.

Credit: Rachelle Ann Go YouTube

Ayon kay Martin, 10 weeks pregnant na si Rachelle Ann nang ginawa nila ang pinakaunang ultrasound nito. Matapos ang kanilang pinakaunang ultrasound ay napatalon pa sa saya sina Rachelle Ann at Martin.

Noong September 17 naman ay ang pangalawang ultrasound nila Rachelle Ann at Martin kung saan masayang-masaya pa si Rachelle Ann dahil may nakilala siyang isang Pinay nurse.

Credit: Rachelle Ann Go YouTube

“Yes! Finally, we are expecting!,” masayang saad ni Rachelle Ann.

Sinabi rin ni Rachelle Ann na nagpapasalamat sila sa bagong biyaya na dumating sa kanila ni Martin. Ayon pa kay Rachelle Ann, sabik na sila ni Martin sa bagong yugto ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Credit: Rachelle Ann Go YouTube

Inamin din ni Rachelle Ann na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na magiging isang ina na siya. Aniya sa vlog, “We are grateful for this new season, this new blessing. Oh my gosh, I can’t believe it — I’m going to be a mama!”

Credit: Rachelle Ann Go YouTube

Samantala, kahit alam na nila Rachelle Ann at Martin pati na rin ng kanilang mga pamilya ang kasarian ng kanilang baby ay pinili muna nilang mag-asawa na i-sekreto ito sa publiko. Sabi ng singer, abangan na lamang daw ng lahat sa susunod na taon kung kailangan niya isisilang ang kanilang first baby ni Martin.