Reaction ng anak ni Pokwang na si Malia matapos makarinig ng doorbell, naghatid good vibes at katatawanan sa mga netizen

Good vibes ang hatid ng anak ni TV host-comedian Pokwang at hollywood actor Lee O’Brian na si Malia matapos ibida ang kanyang nakakagigil na pagsasalita ng English. Nitong November 18, ay i-pinost ni Pokwang ang video ni Malia kung saan makikita ang kanyang nakakatawang reaksyon matapos makarinig ng doorbell.

Credit: @itspokwang27 Instagram  

Mapapanood sa video na habang inaayusan si Pokwang ng kanyang stylist ay abala naman si Malia sa pagsasalita ng kung ano-ano sa camera. Sobrang kikay din nito habang nagsasalita hawak ang isang make-up brush.

Maaaliw ka rin sa iba’t ibang ekspresyon na makikita sa mukha ni Malia habang nagsasalita. Bigla namang napa-English si Malia nang makarinig siya ng doorbell. Nakakatuwa ang exaggerated na reaksyon ni Malia.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)

“Oh! What’s that?!,” bulalas ni Malia nang marinig ang doorbell.

Maging si Pokwang at kanyang stylist ay naaliw sa naging reaksyon ni Malia.

Credit: @itspokwang27 Instagram

Sabi naman ni Pokwang sa caption, “napaka arte mo tisay @malia_obrian hahahahahaha maka-react naman sa doorbell??? Hahahaha.”

Maraming netizens naman ang aliw na aliw sa nakakatawang reaksyon ni Malia nang makarinig ng doorbell.

“kakagoodvibes si Tisay! hugs n kisses @malia_obrian”

“Bwahahahahaha! I’m sick Malia pero you made me laugh. Natawa ako sa “oh what’s that”. Ha ang cute moo”

“sooo cute, daldal pwedeng pwede kayo magusap ng anak ko tisay malia”

Credit: @itspokwang27 Instagram

Ilang netizens din ang nakapansin na kuhang-kuha ni Malia ang pagiging komedyante ng kanyang Mommy Pokwang.

“ATE MAYETTE IKAW NA IKAW TALAGA ANG REACTION NI MALIA SA DOOR BELL. ANG CUTE NI MALIA KEEP SAFE ALL AND GOD BLESS”

“Mamang, if you need a fulltime translator between you and Malia, I am available, and also, she’s funny af no joke. she’s the little version of you,the little best copy of you.”

“ikaw na ikaw ang reaction sa doorbell eh”

“like mother like daughter so cute mag-react jud hahahahaha!”

Credit: @itspokwang27 Instagram

Maraming beses nang napatawa at napasaya ni Malia ang maraming netizen dahil sa kanyang kabibohan at ka-cute-tan na makikita sa mga video na ibinabahagi ni Pokwang.

Sa ngayon, ay dalawang taong gulang pa lamang si Malia ngunit isa na siyang internet sensation. Dahil naman sa good vibes na kanyang hatid kaya naman maraming netizen ang nag-aabang sa kanyang mga susunod na video.