Regine Velasquez, ini-reveal na umiyak noon si Ogie Alcasid dahil sa selos kay Robin Padilla

Mataas na boses at malinis na pagkanta, dyan kilala ang songbird na si Regine Velasquez. Ngunit higit sa pag-awit ay nakilala din siya bilang isang magaling na aktres na madalas ipinapareha sa mga gwapo at matipunong leading man na katulad nila Richard Gomez, Aga Muhlach, at Robin Padilla.

Credit: Regine Velasquez-Alcasid Instagram      

Sa isang episode sa show na Tonight with Boy Abunda, napagusapan ni Regine at ni Tito Boy ang tungkol sa mga naging leading man ni Regine.

Credit: Regine Velasquez-Alcasid Instagram

Dito inamin ni Regine na dati ay si Aga Muhlach ang pinaka-ayaw niyang makatrabaho. Ito ay sa kadahilanan na lagi daw late si Aga sa set at lagi siyang pinaghihintay.

Credit: Aga Muhlach Instagram

Eh kasi lagi siyang late. Inis na inis ako sa kanya. Tapos  lagi niya akong pinaghihintay.

Sinabi naman ni Regine na hindi pa niya naiintindihan noon ang kalakaran ng pagshoot ng pelikula dahil isa siyang singer.

Credit: Aga Muhlach Instagram

“Pero nung next movie namin, hindi na niya ko pinaghintay.”

“Kasi magmumulta s’ya ng 5,000 pesos every hour kapag na-late s’ya. Eh sa kakuriputan n’ya, hindi s’ya na-late.”

Naging topic din nila sa episode na iyon ang rebelasyon na pinagselosan ng noong boyfriend n’ya na si Ogie Alcasid ang naging leading man niyang si Robin Padilla.

Credit: Robin Padilla Instagram

“Kasi nagkasabay yung pelikula namin… yung second movie namin ni Robin, that time kami na ni Ogie and we we’re not out yet.”

“So syempre… landian kami ng landian ni Robin Padilla sa pelikula na yun. Syempre nagseselos s’ya kasi he called me one time, he was crying. And you know what, he felt so bad that parang ‘bakit kailangan n’yo pang gawin yun?’ Sabi ko, ‘wala promo lang naman yun’ tapos hindi n’ya maintindihan.” 

Credit: Regine Velasquez-Alcasid Instagram

“After nung naging out na kami, tinanong ko s’ya kung bakit. ‘Kasi syempre’, sabi n’ya, ‘hon, hindi tayo out eh so feeling ko tagong-tago ako and I couldn’t tell anyone na ako yung mahal n’ya. Parang acting lang ‘yan.”

Nakatambal ni Regine si Aga Muhlach sa mga pelikulang “Of All The Things”, “Dahil May Isang Ikaw”, at “Pangako Ikaw Lang”. Si Robin Padilla naman ay nakasama ni Regine sa mga pelikulang “Till I Met You” at “Kailangan Ko’y Ikaw”.