RK Bagatsing, pinakilig ang mga netizen dahil sa kanyang pinost na sweet photos nila ni Jane Oineza

“Everything I need is in this photo dump. Happy Birthday @janeoineza” saad ng magaling na aktor na si RK Bagatsing sa kanyang caption sa latest post nito sa kanyang Instagram account.
Kamakailan-lamang ay nagpost si RK sa kanyang Instagram account ng mga letrato nila ni Jane upang batiin ito sa espesyal na araw ng kanyang girlfriend.

Credit: Elizabeth Jane Oineza

Napaka-sweet nga naman ng naging caption ni RK sa kanyang post dahil ayon sa caption, si Jane lamang ang kanyang tanging kailangan ngayon at wala nang iba na talagang nakapag-pakilig ng mga netizens.

Credit: Elizabeth Jane Oineza

Sa kanyang post ay nagbahagi ito ng anim na pictures at parehong mag-kasama ang mga ito sa mga letrato. Iilan lamang ang mga letratong ito sa mga masasaya at sweet moments na ibinabahagi ng dalawa sa kani-kanilang Instagram account.

Credit: RK Bagatsing instagram

Ngunit ngayon ay mas mapapansing na napaka-ganda ng kanilang relasyon sa isa’t isa at halatang masaya at ineenjoy ng mga ito ang bawat oras at panahon na mag-kasama ang mga ito kaya naman hindi pinapalagpas ng magkasintahan ang makapag-bakasyon at magtravel sa iba’t ibang lugar ng magkasama na makikita mismo sa mga letrato.

Credit: Elizabeth Jane Oineza

Ang pagpopost ng mga letrato nila ni Jane at pag-bibigay ng sweet na caption ang naging paraan ni RK upang mabati ng maayos ang kanyang pinaka-mamahal na kasintahan. Nitong Hulyo 22 ay ipinagdiwang ni Jane ang kanyang ika-25th na kaarawan.

Credit: Elizabeth Jane Oineza

Labis naman ang ikinatuwa ni Jane at hindi nagpahuli sa pagkukumento sa post na dedicated talaga para sa kanya kaya naman nagreply ito ng matamis na “I love you.” Matatandaang noong Mayo na-confirm ng publiko ang relasyon nina RK at Jane nang magpost ang mga ito ng isang Tiktok video na makikitang hin@l!k@n muna ng dalawa ang isa’t isa bago sinimulan ang pag-sasayaw na nagpa-kilig ng maraming netizens.

Credit: RK Bagatsing instagram

Ngunit bago pa magpost ang dalawa ng confirmation sa relasyon nila ay mapapansing matagal nang nagkaka-mabutihan ang mga ito nang magpost si Jane ng isang letrato na kasama si RK sa kanyang Instagram account na may caption na “To this amazing person, my source of happiness… Happy Birthday” upang batiin ang aktor sa kanyang ika-33 taong kaarawan.

Credit: RK Bagatsing instagram

Kamakailan-lamang ay ikinuwento ni RK sa morning talkshow na Magandang Buhay na masayang-masaya ito kapag kasama niya ang kanyang girlfriend. “Yung relationship namin ni Jane, it’s light, it’s fun. Like I don’t need to force anything. It’s there, the chemistry. Relaxed. And sa ngayon, sa mga pinagdadaanan natin sa buhay, sa mga nagdaan sa p@nd3m!c, we need those kind of energy from other people.” Kuwento nito.

Credit: Elizabeth Jane Oineza