Robi Domingo, diretsahang inamin na nakikita ang sariling papakasalan ang non-showbiz girlfriend na si Maiqui Pineda

Diretsahang inamin ni Kapamilya TV host-actor Robi Domingo na nakikita na niya ang kanyang sarili na papakasalan ang non-showbiz girlfriend niya ngayon na si Maiqui Pineda.

Credit: @iamrobidomingo Instagram          

Nitong October 9, ay nag-guest si Robi sa Kapamilya morning talk show na “Magandang Buhay” kung saan ay masaya niyang ikwenento na nararamdaman niyang sa kasalan mapupunta ang relasyon nila ng nobya.

Credit: @iamrobidomingo Instagram

Ani Robi, “I feel it. I really feel na ito na talaga ‘yun eh. Nowhere to go but there.”

Credit: @iamrobidomingo Instagram

Ibinahagi rin ni Robi kung ano ang naging sikreto nila ni Maiqui para mapanatiling matatag ang kanilang relasyon.

Credit: @iamrobidomingo Instagram

Aniya, “It’s an open secret—communication. Dapat alam n’yo ‘yung nangyayari sa buhay ng isa’t isa.”

Credit: @iamrobidomingo Instagram

Dagdag pa ni Robi, “And it takes a great amount of maturity eh. Totoo pala ‘yun na before yung mga away na very petty lang, very small hindi na magma-matter ‘yan in a long run kasi na-experience n’yo na eh and alam n’yo na kung paano i-handle ‘yung relationship na gusto n’yo pangmatagalan.”

Credit: @iamrobidomingo Instagram

Dahil nabanggit ni Robi ang salitang “pangmatagalan” kaya naman inusisa siya ng mga host ng show na sina Melai Cantiveros, Jolina Magdangal at Karla Estrada kung kailan mangyayari ang kasal nila ni Maiqui.

Credit: @iamrobidomingo Instagram

Nagpakatotoo naman si Robi at sinabing sa ngayon pokus muna sila ni Maiqui sa kanilang kanya-kanyang karera sa buhay. Inamin din ni Robi na gusto niyang bago sila maikasal ni Maiqui ay naabot na nila ang mga pangarap nila sa buhay.

Credit: @iamrobidomingo Instagram

Pahayag ni Robi, “Kapag narating ko na ‘yung status sa aking trabaho. Basta may pangarap ako para sa sarili ko rin na gusto kong maabot. At kapag siya ay may sarili ng space sa kanilang opisina—ibig sabihin kung may position na siya—at kung mayroon na akong certain achievement and credential sa buhay, I think that’s high time.”

Credit: @iamrobidomingo Instagram

Sa huli ay pinasalamatan ni Robi si Maiqui dahil binigyan umano nito ng direksiyon ang kanyang buhay.

Credit: @iamrobidomingo Instagram

“Maiqs, I just want to thank you for bringing me into this type of direction and for making me the best version of myself.”

Pangako pa niya sa nobya, “I will be here for you and I hope and pray to be with you.”

Samantala, nitong August 6 lamang ay nagdiwang ng kanilang ikalawang anibersaryo bilang magkasintahan sina Robi at Maiqui.

Credit: @iamrobidomingo Instagram

At dahil nasa qu@rantine period pa rin tayo kaya naman electronic o virtual date muna ang naisip na paraan ng magkasintahan para kahit papaano makasama pa rin ang isa’t isa sa kanilang espesyal na araw.

Nagsimula ang relasyon nina Robi at Maiqui taong 2018 at February noong nakaraang taon nang isinapubliko ng dalawa ang kanilang relasyon.