Roxanne Barcelo, sa wakas ay may pasilip na sa itsura ng kanyang asawa

Ngayong taon, ay naisilang ng aktres na si Roxanne Barcelo ang kanyang baby. Marami ang natuwa at nagpaabot ng pagbati para kay Roxanne. At ngayon, sa kanyang IG ay nagbigay na rin ng pasilip si Roxanne sa kanyang non-showbiz husband na ama ng kanyang anak.

Credit: Roxanne Barcelo instagram

Makikita ang kanilang mga larawan sa IG noong November 21. Dito ay kasama ng aktres na si Roxanne ang kanyang asawang foreigner. Naibahagi niya ang kanilang selebrasyon ng kanilang anibersaryo. Dalawang taon na rin silang magkasama at pinagdiriwang nila ang kanilang 2nd anmiversary.

“Happy anniversary, aking Mahal. Thank you for the best two years of my life. You are so worth the wait. Wǒ ài nǐ (I love you),” lahad ni Roxanne.

Credit: Roxanne Barcelo instagram

Bagamat di na nilinaw kung anong anibersaryo ang kanilang pinagdiriwang, kung ito ba ay ang kanilang anibersaryo bilang couple o sa kasal.

Credit: Roxanne Barcelo instagram

Noong Disyembre, sa edad na 36 years old ay naibahagi ni Rox ang revelation nya na siya ay kasal na. Walang nakakaalam talaga kaya naman marami ang nabigla. Noon ay di na niya ito dinetalye maging ang kanyang asawa kaya ngayon pa lang nakita ng marami ito.

Credit: Roxanne Barcelo instagram

“Hindi siya taga rito. He’s from Hong Kong. But he lives a very private life,” pagbabahagi ni Rocanne ng tanungin siya sa Toni Talks tungkol sa kanyang asawa.

Pinili niya daw talagang maging pribado dahil ayaw niyang mag share ng maraming detalye.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Roxanne Barcelo (@roxannebarcelo)

“Alam naman ng lahat ng tao na I like to share too much. I always like to share. But this time, I really have to respect his decision to stay priv@te. I’m hoping one day dahan-dahan na pwedeng kahit boses man lang, pa-‘Big Brother’ ang peg,” tuloy pa ni Rox.

Credit: Roxanne Barcelo instagram

Ngayon, fulfilled na si Roxanne at masaya sa kanyang buhay kasama ang pamilya.
“I am fully humbled by this truth: As they all say, it’s not easy, BUT it is all worth it,” saad niya.