Ruffa Gutierrez, pinatawa ang netizens dahil sa kanyang kakaibang paraan ng paglalaro ng Jackstone sa GMA show na Mars Pa More

Isang nakakaaliw na pangyayari ang naganap sa TV guesting ng actress-model na si Ruffa Gutierrez sa programang ‘Mars Pa More’ ng GMA.

Credit: GMA Network Facebook      

May hindi kasi inaasahang nadiskubrehan ang mga host ng show na sina Camille Prats at Wilma Doesnt tungkol kay Ruffa habang naglalaro sila ng “Giant Jackstone Game” na talaga namang nagpatawa sa lahat.

Bistong-bisto ng lahat si Ruffa na hindi ito marunong maglaro ng Jackstone.

Credit: GMA Network Facebook

Sa unang bahagi pa lang ng laro, kung saan pipili sila kung sino ang unang maglalaro sa pamamagitan ng ‘Maalis, taya!’ ay napuno na ng tawa ang studio ng ‘Mars Pa More’.

Maliwanag para sa lahat na hindi pa nakapaglaro dati si Ruffa sa sikat na larong pambata base na rin sa naging reaksyon nito.

Credit: GMA Network Facebook

Pagkatapos ng maling ginawa ni Ruffa ay hindi napigilang tumawa nina Camille at Wilma.
Hindi makapaniwalang sabi ni Camille, “Ano ‘yan, Mars?”

Sagot naman ni Ruffa, “Ano ba dapat?”

Credit: GMA Network Facebook

“Sabi ko sa inyo, ‘God is fair’,” natatawang sabi ni Wilma.

Saad naman ni Ruffa, “Mars. I-explain mo naman.”

Credit: GMA Network Facebook

Tawang-tawa naman si Camille at sinabing, “In-assume namin na alam mo na ‘yung , ‘ma-alis, taya! Hindi ko kaya maglaro, Mars. Hahahaha.”

Hindi pa nakaka-recover sa unang pagkakamali ni Ruffa, ay muli na namang natawa sina Camille at Wilma dahil may ibang mechanics si Ruffa sa paglalaro ng Jackstone.

Imbes na ‘bounce the ball, pick up the stone, repeat’ ang mechanics ng laro ay nag-imbento ng sarili niyang mechanics si Ruffa.

Credit: GMA Network Facebook

Competitive pa rin si Ruffa kahit hindi niya alam paano maglaro ng Jackstone kaya kahit sinasabihan na siyang mali ang kanyang ginagawa ay nagpatuloy pa rin ito sa paglalaro.

Sa huli ay nasabi ni Wilma na, “Patunay na ang Diyos ay pantay-pantay na tumingin sa ating lahat. Grabe. Napakaganda mo, Ruffa. Idol kita.”

Kahit mali ay pinagpipilitan pa rin ni Ruffa na tama ang kanyang paraan ng paglalaro. Aniya, “Tama naman ‘yung ginawa ko kanina eh.”

Credit: GMA Network Facebook

Nang sina Camille at Wilma na ang naglaro ay hindi mapigilan ni Ruffa na humanga.
Pero para kay Wilma, “Mas gusto ko pa rin ‘yung Ruffa style. Parang mas madali ‘yun.”

Sa video na ibinahagi ng GMA Network sa Facebook ay mayroon itong caption na, “Kapuso Feels: Rich Kid Problems.”

Mukhang dahil lumaki sa mayamang pamilya si Ruffa kaya hindi pa nito nasusubukang laruin ang mga nasabing laro na madalas na nilalaro ng mga karaniwang batang Pinoy.

Samantala, maraming netizen rin ang napatawa ni Ruffa dahil sa kanyang sariling paraan ng paglalaro.

Credit: GMA Network Facebook

“Natatawa ako sa episode na eto 😂😂😂👍nakakawala Ng stress”

“Very natural c ruffi..nkk tawa n di nya alm pero cute nya tignan❤️❤️❤️I❤️ruffaG”

“Jusko tawang-tawa pa din ako dito hahaha. Lakas maka-goodvibes ni ruffa hahahaha”