Ruffa Mae Quinto, masayang nakita muli ang kanyang kaibigan na si LJ Moreno-Alapag sa Amerika

“BFF” yan ang tawag ng sikat na komedyante at aktres na si Ruffa Mae Quinto kay LJ Moreno-Alapag at sa kaniyang road manager na si Ryan Black sa kaniyang Instagram post noong nakaraang Nobyembre 23 na naglalaman ng mga litrato nilang magkakasama.

Credit: Ruffa Mae Quinto Magallanes instagram

Ayon kay Ruffa ay sina LJ Moreno-Alapag at si Ryan Black ang kasama niya simula pa ng mag-umpisa siya sa larangan ng showbiz. Nabanggit pa niya na si Ryan ay ang kaniyang naging road manager sa buong career niya sa showbiz. Pinasalamatan rin ni Ruffa sina @winnieguevarra at @owkay_lem sa naging joyride nila sa Los Angeles.

Credit: Ruffa Mae Quinto Magallanes instagram

Narito ang full caption ng naturang post ni Ruffa, “Bff 👯♀️ @thelollicakechic and my bff road manager for almost all my life @_ryan.black ! Sila yung mga taong Kasama ko mula mag artista ako hanggang Lahat kami Na dito na sa America. Taong 1996 with Lj, taong 2020 si Ryan from back room.

Credit: Ruffa Mae Quinto Magallanes instagram

Also thanks @winnieguevarra and @owkay_lem and friends for the joy ride, road trip to Los Angeles! Todo na tour!”

Ang fans ay namiss ring makitang magkasama ang dalawa kaya naman sila rin ay naging masaya para sa dalawa. Ito ang ilan sa kanilang mga komento:

Credit: Ruffa Mae Quinto Magallanes instagram

“And you guys saw each other again. Awww. Good thing you guys had your bonding moment! @rufamaequinto @thelollicakechic”
“Friends 4ever ha”
“I miss you both @rufamaequinto @thelollicakechic”

Credit: Ruffa Mae Quinto Magallanes instagram

Si Ruffa Mae ay nasa US simula noong pebrero at binisita niya sina LJ Moreno-Alapag na ngayon ay nakatira na sa US kasama ng kaniyang pamilya noong nakaraang Septembre 15 nang dahil sa nangyayaring p@nd3mya sa mundo.

Credit: LJ Moreno-Alapag instagram

Dapat ay si Ruffa at ang anak niya na si Athena Alexandria ay bibisita lamang sa US ng ilang linggo ngunit nang dahil sa pand3mya ay hindi nakauwi sina Ruffa. Ang asawa niya na si Trevor Magallanes ay kasama rin nila ngayon sa California.

Credit: LJ Moreno-Alapag instagram

Sa Instagram account ni LJ ay nagpost rin si LJ ukol sa pagkikita nila ni Ruffa sa US kasama ng iba pa nilang mga kaibigan. “So much fun hanging out with old friends!,” ito ang saad ni LJ sa kaniyang caption sa nasabing post.