Sandara Park at Jinhwan (iKon) cover ng OPM hit na “Dahil Sa’yo”, umani ng maraming papuri mula sa mga Pinoy

Maraming Pinoy K-pop o Korean pop fans ang labis na natuwa sa “Christmas Gift” para sa kanila ng dalawa sa kanilang iniidolong South Korean singer na sina Sandara Park at Jinhwan ng boy band group na iKon.

Credit: Sandara Park Instagram  

Noong nakaraang Pasko, sinurpresa nina Sandara at Jinhwan ang kanilang mga Pinoy fan nang gumawa sila ng isang cover ng OPM song na “Dahil Sa’yo”, na orihinal namang kinanta ni Iñigo Pascual.

“Surprise!!!!!!! Christmas gift from Me & Jay ???? Dahil Sa’yo (Inigo Pascual) Cover by #DARA & #JAY from #iKON ? hope you guys will like it!!! ? Merry Christmas!!! ?,” ani Sandara sa teaser photo nila ni Jinhwan sa Instagram.

Inupload ni Sandara o Dara sa kanyang official YouTube channel na “DARA TV” ang Christmas-themed video ng kanilang ginawang cover ng “Dahil Sa’yo”.

Credit: Sandara Park Instagram

Sa kasalukuyan, ay trending pa rin sa nasabing video sharing platform ang video ng cover nina Sandara at Jinhwan.

Sa panahong isinusulat ito, ay umabot na sa mahigit 700 libo ang nakapanood sa kanilang “Dahil Sa’yo” cover.

Samantala, pinuri naman ni Iñigo sina Sandara at Jinhwan dahil sa magandang cover ng mga ito sa kanyang kanta.

“Ganda sobra!,” komento ni Iñigo sa Instagram post ni Sandara.

Credit: Sandara Park Instagram

“Jay and Ate Dara, making this song so much better…Merry Christmas!”, komento naman ni Iñigo sa YouTube video na inupload ni Sandara.

Ang kanilang cover ay umani rin ng maraming papuri mula sa mga netizen. Narito ang ilang komento ng netizens:

“I didn’t expect Jinhwan of Ikon would be pronouncing those words so cool. Gosh, for a Korean like him, maganda na ang pagbigkas niya sa tagalog words! Sana all! ?”

Credit: Sandara Park Instagram

“Im just wondering how many days and weeks did jinhwan practice this whole song?.like dude..their effort is really amazing!! Being a filipino I AM SO PROUD of them.”

“Dara and jay sang very good,fluent na fluent ang tagalog… Merry Christmas both of you❤️☃️?”

Sina Sandara at Jinhwan ay mula sa iisang entertainment agency. Pareho silang talent ng isa sa pinakamalaking entertainment agency sa South Korea na YG Entertainment.