Sharon Cuneta, inalala ang hirap na pinagdaanan nang magshooting sa Smokey Mountain ng pelikulang ‘Pasan Ko ang Daigdig’

Sa sunod-sunod na post ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Instagram account ay inalala niya ang mga hindi makakalimutang pinagdaanan nang magshooting siya sa Smokey Mountain landfill para sa pelikulang ‘Pasan ko ang Daigdig’.

Credit: Sharon Cuneta Instagram

Ang pelikula ay tungkol sa isang dalagang nabuhay sa kahirapan at inatim na magkaroon ng mas mabuting buhay. Kahit na pinanghihinaan ang dalaga ng loob dahil sa kanyang ina ay sinunod pa rin niya ang kanyang pangarap sa tulong ng kanyang mga kababata.

Credit: Sharon Cuneta Instagram

Ang pelikula ay pinagbibidahin nila Sharon Cuneta, Loretta Marquez, Princess Punzalan, Mark Gil, at Tonton Gutierrez.

Credit: Sharon Cuneta Instagram

Sa post ni megastar ay inalala niya ang kanilang direktor na si Lino Brocka.

“Shooting PASAN KO ANG DAIGDIG in the real Smokey Mountain Landfill.
Missing the late great Director Lino Brocka. Thank you, Jojo Devera. Just saw this!”

 

View this post on Instagram

 

Missing the late great Director Lino Brocka. Thank you, Jojo Devera. Just saw this!

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta) on

Sa isa pang post ay kwinento ni Ate Shawie ang mga naging karanasan sa shooting.

“Mahirap. Two weeks kami doon. Ang kubo na rest area, may mga baboy sa ilalim. ‘Di makainom sa baso o kape sa cup kasi mas madaming bangaw sa tao kaya packaged drinks na may straw na lang. ‘Di makakain. Minsan may baha hanggang loob ng kubo. Naka-rainboots kami. Biglang may lumulutang na malaking daga sa harap mo, gano’n.”

Credit: Sharon Cuneta Instagram

“Tapos papunta sa set, natisod ako… Sabi ko pagtisod ko, ‘Ay kalabaw!’ Aba, ‘di sinasadya—kalabaw na p@t@y nga ang natisuran ko!”

“May mga p@+ay na aso at puso na nasagasaan, dami uod. Laro ko, ‘pag nililipat ang camera, lalagyan ko alcohol mga uod tapos sisindihan ko ng posporo! ‘Di talaga mabango doon. Sa umpisa, siempre, halos mahimatay sa amoy, pero never ako nagpakita ng nababahuan ako sa mga nakatira doon dahil hiyang-hiya naman ako. Dalaw lang ako doon, sila doon napilitan tumira. Nakikikwento pa ako sa kanila. Hanggang sa nasanay na ako.”

Credit: Sharon Cuneta Instagram

“Bago umuwi, nakikiligo ako sa isang bahay mga 10-15 minutes away na sa awa ng Diyos, Sharonian na pamilyang kababait! Ino-offer nila sakin banyo ng Masters pero pinilit ko sa banyo sa baba. Hiya pa ako sa mga kasambahay nila. Pag-uwi, ligo uli. Dumidikit kasi talaga ang amoy ng matagal.

Credit: Sharon Cuneta Instagram

“Na-trauma ako sa tancho tique (nilalagay ng men sa buhok nila pampaitim at kintab) na ginagamit sa akin para mukha akong madumi after ako make-upan ng mas dark sa skin ko. Years after, may naamoy ako, sabi ko, ‘Bakit gusto ko mag-vomit?’ Nasuka nga ako. Tancho pala naamoy ko! Delayed reaction! Hahaha!”

Credit: Sharon Cuneta Instagram

Kahit na nahirapan si Sharon sa kaniyang naranasan sa shooting ay sinabi niya na nakakahumble ang kaniyang naging karanasan.

“Naka-humble sa akin ang buong experience ko diyan. Habang talagang ‘pasan ko ang daigdig’, dahil biglang hiwalay na ako sa first husband ko. Kaya bigay-todo. Dun ko na binuhos lahat.”

“Sabi ni Direk when we became really close, galit daw siya sa mga may titulong ‘star’ kasi tingin niya lahat spoiled. Kaya nagulat daw siya nung lahat iutos niya sa akin na gawin, pati pagsalubong sa totoong trak ng basura at paggulong sa basura, ang sagot ko lang, ‘Opo, Direk. Pano niyo po gusto?’ Ni-love na dw niya ako from then on! Tapos we remained close for many years.”