Sharon Cuneta, nagbahagi ng throwback picture nila ng kanyang anak na si KC Concepcion

1, 2, 3 say cheese!

Tunay nga na totoo ang mga katagang, “Sa iisang larawan ay may maraming mga alaalang maaalala”.

Sa pananatili natin sa mundo ay talaga nga namang maraming kaganapan tayong mararanasan na nasa darating na panahon ay hihilingin nating balikan, lalo na ang mga panahon at okasyong nagdala sa atin ng mga ngiti at galak.

Credit: @reallysharoncuneta instagram

Subalit dahil nakalipas na nga ito ay hindi na nga natin ito mauulit pa, mabuti na lamang ay may mga pang kuha ng larawan—-isang bagay na nagpapahinto ng pangyayari sa iisang click.

Isa ngang throwback picture ang pinost nang ating “Mega Star” na si Sharon Cuneta sa kanyang Instagram post. Makikita nga dito ang isang s3xy at batang bata pa na si Ms. Sharon na buhat buhat ang kanyang anak na si KC Concepcion, naka suot ng one piece bathing suit na kulay sky blue, samantala ang ang atin ngang “Mega Star” ay naka bathing suit din ngunit black ang kulay na may print na tila rainbow.

Credit: @reallysharoncuneta instagram

Smile na smile nga dito si Sharon habang ang baby KC ay na tila stolen shot pa nga dahil hindi ito nakatingin sa camera.

Sa kanyang caption ay nai-mention nya nga ang kanyang anak, “Mama and baby KC. @kristinaconcepcion”. Nakaka isang araw pa lang ng kanyang post ay umabot na nga ito ng 52, 883 likes, na mahahalata nga nating kinagiliwan ng mga naka kita dito, marami nga ding pumansin sa kagandahang babae ni Sharon na nag sabi ng kanilang mga ilang papuri ukol dito at mga ala-ala ng panahon ng pagkadalaga nito;

Credit: @reallysharoncuneta instagram

“share ko lang: When i was in high school ang naging sukatan ng beauty noon ay beauty ni Sharon. Kapag may bagong tranferee sa aming school ganito ang usapan: Hoy ang ganda ng transferee, kamukha ni Sharon Cuneta.” Sabi ng isang netizen.

“Walang kupas ang kagandahan mo po idol, sana po mapansin ninyo ako”, “Wow, this photo is so raw and beautiful.”sabi pa ng ilan.

Credit: @reallysharoncuneta instagram

Si Sharon Cuneta ay isang Filipina actress, singer, television host at isang socialite. Kilala bilang isa pinaka successful at highest-earning individual sa Philippine entertainment industry. Gumanap na rin sa over 60 films, nag host ng over 10 TV shows at nakapag record na ng over 40 albums.

Nakapag hakot nga din ito nang maraming awards bilang aktres, host & recording artist, including multiple FAMAS, MMFF, at sa Awit Awards