Sofia Andres, napaluha matapos makita ang malaking pagbabago sa nursery room ni Baby Zoe

Naging emosyonal ang aktres na si Sofia Andres matapos makita ang bagong nursery room ng kanyang anak na si Zoe.Hindi maiwasan ni Sofia na mamangha nang makita ang malaking pagbabago sa kwarto ng kanyang anak.

Source:Mr & Mrs B of Moss Design House Youtube

Mula kasi sa simpleng kwarto ay mayroon na itong napakagandang “dreamy blush” vibe ngayon.Ibinahagi ng Moss Design, ang interior design studio na gumawa ng room transformation, sa kanilang YouTube channel ang buong proseso ng pagpapaganda sa kwarto ng anak ni Sofia.

Source:Mr & Mrs B of Moss Design House Youtube

Sa simula ng vlog, iprinesenta muna ng interior design team ng Moss Design, sa pangunguna ni Cyndi Fernandez-Beltran, ang magiging bagong desenyo ng kwarto ni Baby Zoe.

Source:Mr & Mrs B of Moss Design House Youtube

“Home fluffing” o isang mabilisang renovation na walang malaking construction work na gagawin sa loob lamang ng tatlong araw ang tawag ng Moss Design sa gagawin nilang room transformation.

Source:Mr & Mrs B of Moss Design House Youtube

Kabilang sa mga main area na binigyan ng bagong look ng Moss Design ay ang lounge area, play area, dresser area, bench seating at display seating ng nursery room.

Source:Mr & Mrs B of Moss Design House Youtube

Blush at neutral color tone ang kabuuang color motif ng kwarto ni Baby Zoe.
Sa likod ng kanyang crib na mayroon pang pink canopy ay naglagay ng customized wallpaper ang Moss Design na nagsilbing accent wall ng kwarto.

Source:Mr & Mrs B of Moss Design House Youtube

Mas naging mataas din tingnan ang ceiling ng kwarto dahil sa floor to ceiling curtains nito.
Sa vlog, ikinwenento ni Cyndi na “chill” lamang umano si Sofia at ang kanyang boyfriend at ama ni Zoe na si professional car racer Daniel Miranda sa buong proseso ng makeover.

Source:Mr & Mrs B of Moss Design House Youtube

Kwento ni Cyndi, “Working with Sofia and Daniel…I actually didn’t think they would make bantay. They’re so chill and they really hung out with us. And I guess they’re very curious on how they’d see the process.”

Source:Mr & Mrs B of Moss Design House Youtube

Ayon pa kay Cyndi, napaka-hands on din umano ni Sofia sa room makeover project.
Samantala, sa araw na ni-reveal na ang bagong desenyo ng nursery room ay hindi lang sina Sofia at Daniel ang namangha sa bagong look ng kwarto kundi pati na rin si Baby Zoe.

Source:Mr & Mrs B of Moss Design House Youtube

Ang magkasintahan pati na rin ang kanilang anak ay hindi mapigilang mamangha sa malaking pagbabago ng nursery room.

Source:Mr & Mrs B of Moss Design House Youtube

Sambit ni Sofia, “It’s super nice! Especially since ito ‘yung nag-wewelcome sa amin. Kasi this area, it’s usual na for us…It’s very, very different…”Dito na rin sa parteng ito ng vlog napaluha si Sofia.

Aniya, “It’s cheesy but I’m thankful…I don’t know why I’m crying. I’m so emotional because I think it’s about love. Hindi lang siya isang project kundi it’s with a heart, it’s with love.”
Reaksyon naman ni Daniel, “They did a great job. And I’m very happy. Zoe’s very happy.”

Source:Mr & Mrs B of Moss Design House Youtube

Matatandaang nitong June ay ginulat ni Sofia ang lahat nang inanunsyo niyang siya’y isang ina na.