Solenn Heussaff, ipinasilip ang tropical themed na kwarto ng kanilang anak na si baby Thylane

Ano nga ba ang ideal na baby room? Syempre, mas maganda kung mas komportable na makakapag pahinga si baby sa kanyang kwarto. Kaya naman, kanya kanya ng disenyo kung paano mapapaganda ang mga kwarto ng mga chikiting.

Credit: Soleen Heussaff Youtube

Gaya na lamang ni Baby Thylane, anak ni Nico Bolzico at Solenn Heussaff. Naipanganak si Baby Thylane noong January 1. At ngayon, ay ipinakita na ni Solenn ang bed room na inihanda nila para kay Baby Thylane.

Makikita sa kanyang kwarto ang tropical themed at nangingibabaw ang kulay sage green sa kwarto.

Credit: Soleen Heussaff Youtube

“Thylane’s been such an easy baby, but especially since I’m a new mom, I really don’t like to stay away from her too long so I never leave my house. Nico and I wanted to make sure Thylane’s room was cozy and comfy to spend a lot of time in, and so this is where we spend a lot of our time now,” kwento ni Solenn.

Credit: Soleen Heussaff Youtube

Sa 8-minute video na inupload ni Solenn, ay tinour tayo sa tropical themed room ni Baby Thylane. Kahit pa busy si Solenn sa pagpapa breastfeed kay Baby Thylane, ay hindi siya nagpaawat sa pagpapakita ng kanyang kwarto.

Dinesenyo ito ng Hurray Interior Design Group. Nature themed din naman talaga ito dahil mayroong itong mga halaman at makikita din ang mga dekorasyon sa bahay na makikita talaga ang tropical paradise.

Credit: Soleen Heussaff Youtube

“I’m very much into the jungle and the tropics and anything green at the moment. That’s the kind of the look I was going for with proud Pinoy touches as well since of course, Pilipino ako (I am a Filipino),” dagdag naman ni Solenn.

Credit: Soleen Heussaff Youtube

Samantala, disenyo naman ng Adobe by Studio Soliven ang mga blankets na ginagamit na ni baby.

Mapapa wow ka nga naman sa room na ito ni Baby na talaga nga namang makakapag pahinga at masarap na tulog ni baby.