Sweet photos nina Dominic Roque at Bea Alonzo, pinakilig ang kanilang mga fans

Ang magkasintahang Dominic Roque at Bea Alonzo, sa kabila nang kanilang busy na mga buhay buhay ay nagbigay oras para sa kanilang quality time together! Kamakailan lamang nang nag celebrate ang mag kasintahang ito nang kanilang 1st anniversary together nito lang January 28 ngayon taon,

Credit: @dominiqueroque Instagram

‘It’s one of the best decisions I’ve ever made,’ sabi nito sa caption nya sa una nilang taon kung saan ay nag share din ito nang kanilang candid photo na nakayakap at nakatingin sa kanya si Dominic Roque and they look happy sa isa’t isa!

Ngayon naman ay patuloy ngang ini-enjoy nang magkasintahan ang pagsasama nila. Sa post nga ni Dominic Roque kung saan ay magkasama silang ini-enjoy ang kanilang quality time. Makikita ang mga larawan na naipost ang ilang pasilip nang kanilang ginawa, kung saan kumain sila at in-enjoy ang company nang bawat isa.

Credit: @dominiqueroque Instagram

Nag compliment naman ang mga kasuotan ng dalawa sa bawat isa bagamat hindi ito parehas na kulay. Si Bea ay nakasuot ng light coffee color dress na bumagay nga sa kanyang complexion at body type. Ganoon din si Dominic, fresh na fresh sa suot na white polo long sleeve na naka unbutton ang mga dalawa hanggang tatlo nitong butones na nakagawa nang v-shape sa neck nito banda.

Maaliwalas ngang masdan ang dala na kitang kitang inlove sa isa’t isa.

Credit: @dominiqueroque Instagram

Si Bea ay umamin noon na sya at si Dominic ay nasa dating stage pero hindi pa talaga exclusive nitong nakaraang taon ng Abril. At nang August 2021 kinumpirma nya na sila ay magkarelasyon na.
Nito lang din nang maabot nga ni Bea Alonzo ang isa sa kanyang pangarap na makapag own nang sariling apartment sa Europa na kanyang masayang pinamalita sa kanyang youtube channel.

Credit: @dominiqueroque Instagram

Kung saan ay pinakita nya ang kanyang paghahanap nang apartment sa kanyang mga fans at netizen. Samantala si Dominic Roque ay patuloy pa din sa kanyang mga trabaho sa showbiz kanyang business. Mayroon syang sariling digital marketing at social media management company na tinawag nyang Bl@ck Peak Hypermedia.

Credit: @dominiqueroque Instagram

Sa huli, tunay na dapat na magbigay nang panahon para sa mga minamahal kahit pa sa dami nang gagawin. Making time for your love ones are the best kind of expression of love. Kung kaya wag kakalimutan na i-date sila, ito ay hindi lang para sa kasintahan bagkus para na rin sa iba mo pang minamahal sa buhay—-pamilya at kaibigan.