Sweet photos nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte, kinagiliwan ng mga netizens

Every Sunday ay ipinapalabas sa Kapamilya channel ang ASAP Natin ‘To na isang Philippine television variety show na binuo ng ABS-CBN Entertainment. Sa programang ito ay iba’t ibang mga performances ng maraming mga personalidad sa Industriya ng showbiz na kabilang sa nasabing media and entertainment network ang masasaksihan na ipinapamalas ang kanilang mga iba pang talents.

Credit: Loisa Andalio instagram

Ibinibida sa show na ito ang mga “certified performers” na mga kapamilya artists. Dito makikita ang mga talent ng mga indibidwal pagdating sa dancing, singing, at marami pang iba. Paminsan minsan din ay may mga mapapanood na guests dito.

Credit: Loisa Andalio instagram

Nitong nakaraang September 8 lamang nang magpost ang tanyag na celebrity na si Loisa Andalio sa kanyang Instagram account ng picture nilang dalawa ng kanyang boyfriend na si Ronnie Alonte na isa ring kilalang showbiz personality.

Credit: Loisa Andalio instagram

May caption ang post na ”blessed sunday indeed ❤️ @iamr2alonte”

Ibinahagi niya ang pictures nila ni Ronnie na nakuhanan sa mismong araw na iyon kung kailan sila ay nagpunta sa ASAP Natin ‘To live. Kitang kita naman sa mga captured photos na wala talagang kupas ang taglay na kagandahan ni Loisa at kagwapuhan ni Ronnie.

Credit: Loisa Andalio instagram

“Thank you for watching ASAP! ?✨” dagdag pa ng aktres.
Hindi niya nakalimutang pasalamatan ang mga taong walang sawang sumusuporta sa kanila.
Ang real-life partners na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio ay madalas na mapapanood na magperform sa show.

Credit: Loisa Andalio instagram

Minsan ay may mga performances silang solo at minsan naman ay sila ay magkasama. Kaya naman ang mga supporters ng loveteam-slash-real life partners ay kilig na kilig lalo na every Sunday dahil lagi nilang nakikita o napapanood ang dalawang showbiz personalities na kanilang sinusuportahan at hinahangaan.

Credit: Loisa Andalio instagram

Isa sila sa mga sinusubaybayan ng mga netizens at iba pang viewers. Dahil bukod sa taglay nilang galing pagdating sa acting ay iba rin talaga ang performance na binibigay at pinapakita nila sa stage sa TV show.

Credit: Loisa Andalio instagram

“No P.A & No Driver? No problem!!! hahaha thank you beh! ??” ang pagtatapos ni Loisa.
Napaka supportive boyfriend nga naman ni Ronnie. Hindi na namomoblema si Loisa kung sakaling wala siya P.A o driver dahil todo-rescue naman si Ronnie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Loisa Andalio (@iamandalioloisa)

Talaga nga namang “couple goals” ang mga katagang nababagay sa dalawa.
Maaalalang isinapubliko ng dalawa ang kanilang relasyon noong taong 2016. Sa darating na Nobyembre ngayong taon ay ipagdiriwang na nila ang kanilang 5th anniversary